Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6 Bad feng shui bathroom locations

MAAARING makabuo ng good feng shui sa bathroom saan man ito ilagay ng inyong architect, maghanda lamang sa pagbuhos ng panahon at pagsisikap.

Narito ang listahan ng anim na worst feng shui bathroom locations.

*Bathroom sa gitna ng bahay. Ang bathroom sa gitna ng bahay ay kadalasang ikinokonside-rang bad feng shui. Dahil ang sentro ng bahay ang puso ng space sa feng shui, tinatawag ding yin-yang point, nais mo itong maging bukas, maaliwalas at may ramdam ng kagandahan.

*Bathroom na nakaharap sa front door. Ang dahilan kung bakit ang bathroom na nakaharap sa main door ay ikinokonsiderang bad feng shui ay simple, ang Universal energy, o Chi, ay dumarating sa bahay sa pamamagitan ng front door.

Kung ang inyong bathroom ay nakaharap sa front door, karamihan sa good energy ay agad tatakas sa pamamagitan ng bathroom, kaya maaaring kaunti na lamang o maubos ang good feng shui energy na magpapasigla sa bahay.

*Bathroom sa money area. Ang bathroom sa feng shui money area ay talagang bad feng shui dahil mahahadlangan ang pagdating ng pera.

*Bathroom na nakaharap sa kusina. Ang pagkakaroon ng kusina na nakaharap sa bathroom ay very bad feng shui. Hindi na kailangan nang matindi pang paliwanag kung ba-kit hindi mainam para sa kalusugan ang set-up na ito.

*Bathroom sa itaas ng bedroom. Ang bathroom sa itaas ng bedroom ay hindi best feng shui set-up. Ang mahalagang factor na dapat ikonsidera sa pag-hahanap ng feng shui cure sa kasong ito ay kung gaano ka-busy ang upstairs bathroom, at gaano kadalas itong gagamitin.

*Bathroom sa ibabaw ng front door. Kung ang bathroom ay nasa itaas ng main door, mahalagang pagtuunan ang good feng shui nito, dahil ang kalidad ng enerhiya na papasok sa main door ang dedetermina sa kalidad ng enerhiya ng bahay.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …