Wednesday , December 4 2024

Takbong parangal sa bayani ng WW II

NAGAMPANANG muli ng mga Patriotikong Mananakbo ang kanilang taunang panatang saluduhan ang mga Bayani ng Bataan  sa pamamagitan ng salit-salitang, ‘di pang-kumpetisyong takbo, walang bayad na butaw o registration fee, na tumahak sa 1942 Death March Trail.

Hindi ininda ng mga “modern-day” marchers ang nakapapasong init ng panahon, na may kasama pang pagtakbo sa mga rutang inaayos para sa hinaharap upang magampanan lamang ang kanilang panatang parangalan ang mga Bayani.

Si Mayor Jesse Concepcion ang pormal na nagpaalpas sa taunang panatang itong tinawag na Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon (A Tribute To World War II Veterans), na nasa ika-29 na edisyon na, sa pamamagitan ng pag-abot ng sinindihang Torch of  Valor, kasama ang mga Beterano at kanilang kaanak, sa pundador ng “salute run”, kay Ed Paez ng Safer Runners of San Fernando, na nagumpisa ng takbo.

Dumaan ng isang lungsod at walong bayan ng Bataan ang mga kasapi sa hindi pang kumpetisyong, salit-salitang takbuhang walang butaw o registration fee, na nagtapos sa Lubao Municipal Gym, kung saan inilatag ng mga Pineda – Gov. Lilia Pineda, Vice-Gov. Dennis Pineda at Lubao Mayor Mylyn Pineda Cayabyab ang pulang alpombra para magpalipas ng magdamag ang mga kalahok.

Ala-sais ng umaga nang umalis ang tropa sa Lubao,  at matapos dumaan sa  sakop ng Guagua ay pumasok naman ng Bacolor ang mga ito, kung saan nag-”Visita Iglesia” ang mga Patriotic Runners  sa San Guillermo Church.

Ang  Ciudad de San Fernando naman ang sunod na pinuntahan ng mga ito, para umabot  sa programang dumadakila sa kabayanihan ng ating mga beterano, na kung saan pinagkalooban  ng isang Patriotic Medalyon ni Paez ang kanilang “god father”, na si Mayor Edwin Santiago, na nagsimula nang umayuda sa kanilang taunang kaganapan, bukod sa mga regalo  ng iba pang  tagapagtaguyod para sa mga WW II vets.

Pagkatapos ng palatuntunan ng Bataan-Pampanga phase, sinundan ito  ng pagbiyahe   ng mga modern-day “marchers” patungong  Sto. Domingo Railway Station ng Capas, Tarlac, kung saan sinimulan ang natitirang 12-kilometrong distansiyang takbo patungong Camp O’Donnell.

Nagkaroon ng payak na programa ng pagtatapos  sa Kampo, na kung saan pinarangalan ni Paez sina Maj. Arsen Boy de Guzman ng Special Services Center  – Team Army  at  Maj. Eugene Pau Arbuez, Contingent Cmdr. – TRADOC para sa pagsasara ng dalawang araw na pagsaludo sa ating mga Bayani.

(Henry Vargas)

About hataw tabloid

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *