Tuesday , December 24 2024

Unipormadong ‘holdaper’ sa Lucena, sugpuin!

SEMANA Santa, sa tuwing ginugunita  ang isa sa pinaka-espesyal na regalo ng Panginoong Diyos sa atin, marami ang nag-uuwian sa kani-kanilang probinsya maging nagbabakasyon para magsaya o outing ‘ika nga.

Sinasamantala ang paggunitang ito – nakalulungkot nga lang dahil iba na ang takbo ng panahon ngayon. Ang Semana Santa ay panahon ng paglalakwatsa ng nakararami.

Sa panahon din ito, nagkalat din ang mga buwaya sa lansangan partikular na sa mga national highway sa iba’t ibang lalawigan. Ang tinutukoy natin ay ang mga mangongotong na pulis at mga taga.

Tinitira nila ang mga bus lalo na ang mga out of line o ‘di kaya iyong mga walang special permit. Katunayan kahit na mayroong special permit mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ay tinitira pa rin nila.

Yes, hinahanapan pa rin ng butas – basta’t ang mahalaga ay makotongan nila.

Pero ano pa man, batay sa sumbong ng mga bumibiyaheng trak papuntang Maynila mulang Bicol, matagal na silang nakokotongan. Tuwing bimibiyahe sila para maghatid ng kalakal sa Maynila.

Reklamo ng mga truckers ang mga PNP-HPG daw na nakatalaga sa national highway sa lalawigan ng Quezon partikular sa Lucena. Matindi kung mangotong ang mga lespiyak dito. Hindi sila pumapatol ng P1,000 kada truck (malalaking truck ito) kundi pinakamababa raw ay P3,000. Ay hanep! Hayahay ang buhay ng mga buwaya.

Nakapuwesto ang mga hunghang na mangongotng sa Diversion Road ng Lucena. Halos 24/7 nga “naka-duty” sila sa pangongotong. Pero anila, hindi naman daw lahat ng mga pumupuwesto sa Diversion Raod ay mangongotong, kahit na paano ay may matino naman daw. Iyon bang trabaho lang daw ang ginagawa ng matitino pero iyong iba ay talagang kotong ang lakad.

Estilo ng mga hunghang, sa bawat pagpapatabi ng mga truck ay kung ano-anong ipinapataw na violation pero sa huling banda ay kotong na lakad naman ang lahat.

Sabi ng mga driver kasama ang kanilang mga amo kung minsan, hindi na raw sila makapalag dahil naghahabol sila ng oras para madala ang mga kalakal sa takdang oras sa Maynila.

Kaya napipilitan na silang  magbigay sa mga kotongerong lespu upang hindi maantala ang biyahe.

***

Batid ng lahat na simula nang maging hepe ng PNP si Gen. Alan Purisima, paglilinis sa PNP ang isa sa kanyang prayoridad bukod nga sa pagdeklara ng mga kriminal.

In fairness kay Purisima, marami na rin siyang ipinaarestong police scalawags at kinasuhan. May mga sinibak na rin si Hepe bilang patunay na seryoso siya sa kanyang ginagawang paglilinis sa PNP.

Pero Sir Chief, ano itong sumbong ng mga trucker sa nabanggit na lugar, 24/7 daw ang operasyon ng mga kotongerong lespu sa Lucena. Pero kahit na paano naman daw ay mayroon mga matino naman sa checkpoint – trabaho lang ang ipinatutupad, mas marami iyong kotong ang lakad.

Gen. Purisima, pakitutukan na lang po ang ‘masasamang loob’ na ito. Mga naka-unipormeng pulis pa man din.

***

Para sa inyong sumbong, komento at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *