Tuesday , December 24 2024

Paalam, Rubie Garcia

NAKATAKDANG ihatid sa kanyang huling hantungan ang labi ni Rubie Garcia ngayong araw. Kahapon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong muling makita ang namayapang kapatid sa hanapbuhay. Paalam, Rubie.

Ngunit bago siya ihatid sa kaniyang sinilangang probinsiya, sa huling pagkakataon ay dadapo ang kanyang katawan sa Mendiola Bridge na noong Nobyembre 23, 2013 ay kaisa po natin siya sa paggunita sa Maguindanao massacre.

Mula National Press Club ay nagmartsa ang grupo sa Mendiola para sa isang Torch Parade noon sa gitna ng ulan. Sino ba naman ang makapagsasabing ang ipinaglaban noon ni Rubie ay siya rin ipaglalaban natin para sa kanya. Hustisya. Hustisya na magpasahanggang ngayon ay wala pa rin linaw sa kaso ni Rubie at ng mga pinaslang na mamamahayag sa Maguindanao.

Nakalulungkot isipin na sa sobrang bagal ng paggulong ng hustisya, at hindi pa man napaparusahan ang pamilya ng Ampatuan, isa na namang inosenteng kasapi ng media ang itinumba ng mga walang kaluluwang salarin.

Sa aming huling tala, umabot na sa 24 ang work-related media killings sa ilalim ni PNoy. Kami po ay nagsawa na sa pagbibilang. Masakit sa dibdib sa tuwing nadaragdagan ang bilang ng mga namayapang journalist. Ayaw na namin madagdagan pa ito. Kung paano ang gagawin, tila wala rin maipakitang solusyon ang pamahalaan.

Hanggang kailan makikita ang liwanag sa isyung ito? Hanggang kailan magbibingi-bingihan at magbubulag-bulagan ang mga Noynoying nating mga opisyal? May pag-asa pa bang mahuli at maparusahan ang mga salarin?

Sa sobrang bagal ng usad ng mga kaso, minsan nawawalan na rin kami ng pag-asa. Pero hindi naman ito dapat maging dahilan para isuko ang laban.

Sa aking palagay, habang mga mga kampon ni Satanas na nakasuot ng Barong Tagalog at Amerikana at habang may mga bugok na itlog sa hanay ng pulisya at mga sundalong militar na nagpapagamit sa mga mandarambong, magnanakaw at ilegalista sa lipunan, matatagalan pa bago matapos ang problemang ito.

Ang aking dasal, sa pagpanaw ni Rubie, nawa’y unahing lipulin ang masasamang loob na nakauniporme, isama na rin ang kanilang mga padrinong walanghiya!

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *