Bakit ba kapag ang isang importer ay nahulihan ng kontrabando sa Bureau of Customs ang tawag agad sa kanila ay SMUGGLER.
Smuggler… agad- agad? ‘Yan po ang tawag at paratang agad sa kanila.
Ano ba ang dapat itawag sa kanila? Ano nga ba mga kaibigan kong Attorney?
Sa aking pananaw, dapat siguro hayaan na lang muna ang korte to decide and wait for their decision then we can call them smuggler or whatever.
Smuggler ka na ba agad kahit wala pang resulta na inilalabas ang korte?
Sa mga newspaper story ay markado ka na agad na ismagler kahit hindi pa tapos ang usapin sa korte.
Hindi ba parang unfair naman daw ang ganitong senaryo?
Ilang kaso pa lang naman ng smuggling ang naresolba ng DOJ na pwede na nating tawagin ang mga akusado na ismagler.
Hindi kaya si DAVIDSON TAN ang sumunod na dahil sa init ng isyu laban sa kanya na pinararatangan ngayon na no. 1 rice smuggler?
Ricky “Tisoy” Carvajal