For all have sinned and fall short of the glory of God, and are justified freely by his grace through the redemption that came by Jesus Christ. — Romans 3:23-24
MULI na naman pinatunayan ng ating pambasang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang paghahari sa boxing ring matapos manalo kahapon kontra kayWelterweight Champion Timothy “Desert Storm” Bradley.
Buong bansa ngayon ay nagdiriwang dahil nagwagi si Pacquiao sa ikalawa nilang laban ni Bradley na kinukuwestyon noon ang pagkapanalo dahil sa split decision.
Pero, ngayon vindicated na si Manny!
***
MAGANDANG simulain at inspirasyon din ito sa maraming Filipino, na matapos ang mga dumating na unos gaya ng super Typhoon Yolanda, ay tagumpay naman ang kasunod.
Gayundin, naitala muli ang zero crime rate sa bansa tuwing may laban si Pacquiao. Sabi nga ng karamihan, sana aaw-araw may laban si Pacquiao para matiwasay palagi ang bansa.
***
AT isa rin sa nakatutuwa at umani ng pansin sa mga manonood na boxing fans ay ang paglapit ni Mommy Dionisia kay Bradley at pagyakap nito sa boksingero matapos ang laban.
Nag-trending ito sa twitter at iba pang social networking sites na ipinapakita ang pagiging makatao at mabait ng mga Filipino. Kinakitaan ito ng paghanga ng marami nakapanuod.
‘Ika nga, sports lang walang personalan!
***
NAPAKANDANG mensahe rin ang inilarawan ni Mommy Dionisia, hindi lang sa mga Filipino, kundi sa buong mundo.
Ang pagiging madasalin sa Poong Maykapal at pagpapasalamat dito sa araw-araw ang siyang nagbibigay lakas sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay.
Gaya ni Manny na minsan nang bumagsak, subali’t muling bumangon!
MANILENYO, OKS
SA LIBRENG PALABAS!
SAMANTALA, nagpapasalamat ang maraming Manilenyo kay Pangulong Erap dahil ipinagpatuloy niya ang tradisyonal na live free show sa mga laban ni Pacman sa mga covered court ng Maynila
Akala kasi ng marami wala nang libre palabas sa laban dahil halos late nang namigay ng mga free tickets sa Pacquaio-Bradley fight.
Buti na lang nahabol, kundi gulo ‘yan!
***
NOONG panahon ni Mayor Alfredo Lim, nakikihalubilo mismo siya sa mga boxing fans na nanonood sa mga covered court.
Dama ni Mayor Lim ang damdamin ng mga manonood sa mainit na suportang ibinibigay ng mga Filipino sa boxing icon ng bansa. Kaya naman ang mga ganitong simpleng handog na libreng palabas ay nakapagbibigay saya na sa maraming Manilenyo.
Muli, congrats Manny!
WALA NANG
MANDURUKOT
SA CARRIEDO?!
NABAWASAN na raw ang sangkaterbang mandurukot sa Carriedo, Sta. Cruz at Quiapo mula nang banatan natin kamakailan.
Hindi na raw masasabing inutil ang PCP Plaza Mirandadahil kumilos na raw kontra sa isang grupo ng mga kilabot na mandurukot na ang tanging hanapbuhay ay manlamang sa kapwa.
Wala na sa Carriedo, lumipat lang ng ibang lugar! Ehek!
***
KUNG gugustuhin talaga mga kabarangay ay magagawang lipulin ng pulisya ang mga kilabot na mandurukot na matagal nang idinaraing sa atin ng mga avid readers, hindi ba P/Insp. Rommel Anicete?
Magpakalat lamang ng mga sekreta na gaya noong araw, nakasibilyan pulis na magmamanman sa ikinikilos ng mga hinihinalang mandurukot, tapos ang problema ng mga kabarangay natin lalo na ang mga deboto ng mahal na Poong Itim na Nazareno.
Simple lang, kung ayaw, maraming dahilan, pero kung gugustuhin, maraming paraan!
***
AT sana naman ay walang nabiktimang kabarangay natin na nagsimba kahapon para sa Palm Sunday o Linggo ng Palaspas d’yan sa Quiapo Church.
Ilang beses nang nanawagan ang mga kabarangay natin na maiayos ang peace and order sa nasabing lugar subali’t naging pipi’t bingi ang mga pulis.
Kaya si MPD Director Rolando Asuncion na lamang ang ating pag-asa!
Para sa anomang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos