Friday , November 15 2024

Hiling na TRO ng kampo ni Lee tablado sa CA

BIGO ang kampo ni Cedric Lee na mapatigil ang pagdinig ng Department of Justice ) (DoJ), sa kinakaharap na kasong serious illegal detention and grave coercion na isinampa ng actor/TV host Vhong Navarro.

Ito’y matapos na hindi magpalabas ang Court of Appeals ng temporary restraining order (TRO) na hinihingi ng kampo ni Lee.

Sa halip, binigyang-pagkakataon ng CA ang DoJ Panel of Prosecutors at National Bureau of Investigation na maghain ng paliwanag hinggil sa petition ni Lee.

Sa isinulat na desisyon ni CA Associate Justice Leoncia R. Dimagiba,  kanyang inatasan si Prosecutor General Claro Arellano at iba pang respondent gaya ng panel of prosecutors at NBI, na magsumite ng paliwanag laban sa petition at supplemental petition sa loob ng sampung araw.

Nais din ng CA na pagsama-samahin ang kanilang mga argument kung bakit maaaring ipalabas ang hiling na temporary restraining order /writ of preliminary injunction prayed na kahilingan ay ipagkakaloob.

Maaari ring magsumite ng katugunan ang kampo ni Lee sa loob ng limang araw.

Ipinagpaliban din ng appellate court ang desisyon sa hiling na TRO/WPI ng grupo ni Lee.

Kabilang sa mga pumabor sa  resolution ay sina Associate Justices Ricardo Rosario at Mario Lopez.

Bukod kina Cedric Lee at Deniece Cornejo, dawit din sa krimeng serious illegal detention and grave coercion sina Bernice Lee, Simeon Raz, Jose Paolo Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez. (leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *