Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong GF na dadalaw kay Bistek sa city hall, inaabangan

ni  Ed de Leon

SINASABI na namin, imposible iyong wala tayong maririnig na reaksiyon matapos na aminin ni Kris Aquino sa national television na may relasyon na silang dalawa ni Mayor Herbert Bautista.

Siguro magandang banggitin muna ang reaksiyon ng kanyang dating asawang si James Yap, na kinunuwentuhan daw ng anak nilang si James Jr. tungkol sa politikong ka-date ng ermat niya. Okey naman ang reaksiyon ni James na nagsabing kung iyon ang makapagbibigay ng kasiyahan sa dating asawa ay okey lang, after all may sarili na naman siyang buhay at maligaya na rin naman sa kanyang girlfriend.

Nagsabi rin naman si dating Mayor Joey Marquez na okey naman at masaya na ang kanyang “ex” sa ibang mayor ngayon.

“Ok lang iyon. I am happy with my life now,” sabi naman ng mas naunang girlfriend ni Mayor Bistek na kung kanino may dalawa rin siyang anak na lalaki. Hindi naman kasi sila nagsama talaga, at nasanay na nga siguro ang girl na siya lang naman talaga ang nag-asikaso sa kanyang dalawang anak. Sanay na rin naman siguro ang mga bata sa ganoong sitwasyon.

Ang kumakalat na may ibang reaksiyon ay ang mga anak ni Mayor Bistek doon sa kanyang isa pang “girlfriend” dahil nasanay sila ng kasama si Mayor at saka siguro kahit na nga sabihing hindi rin naman kasal ang kanilang mga magulang, through the years ay parang lumalabas na sila ang legal na pamilya dahil sila ang inuuwian eh. At saka familiar maski na ang mga tao sa city hall sa girlfriend niyang iyon. Paano ngayon na ibang girlfriend na nga ang maaaring dumating sa City Hall? Iyan iyong naririnig namin, lalo na nga’t ang girlfriend niyang iyon ay marami na rin naman palang naging kaibigan lalo na sa entertainment press na iyon ang normally nag-aasikaso kung may kailangan man sila kay mayor.

Hindi natin alam ngayon kung ano ang kalalabasan niyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …