Tuesday , April 15 2025

Magsasaka, baboy todas sa koryente (Nagpaligo ng mga alaga)

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang magsasaka nang tangkain saklolohan ang kanyang mga alagang baboy na nakoryente sa Brgy. Alunan, Quezon, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Mark Jay Abon, 20, may-asawa, magsasaka at residente sa  nasabing lugar.

Si Abon ay nagtungo sa kanyang piggery ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay upang linisin ang kulungan ng kanyang mga alagang baboy

Bago nagtungo ang biktima sa kanyang piggery ay binuksan niya ang daloy ng koryente upang magkaroon ng ilaw sa kulungan.

Pinaliguan ni Abon ang kanyang mga baboy gamit ang water hose at habang pinapaliguan ang mga alaga ay nakitang nangingisay ang mga alaga kaya’t kanyang sinuri.

Hindi batid ng biktima na may nakakonektang live wire ng koryente na sumagi sa metal division ng naturang piggery kaya pati siya ay nakoryente.

Dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

9-ANYOS NANGISAY SA POSTENG BAKAL

LA UNION – Patay ang 9-anyos batang lalaki nang makoryente sa Brgy. Central East, Bauang, La Union.

Kinilala ang biktimang si Julius Huliganga, residente sa naturang lugar.

Sa impormasyon mula sa Bauang Municipal Police Station, nakita na lamang ng kanyang lola na nakahundasay ang biktima at hindi na gumagalaw.

Agad nagpasaklolo ang lola at dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando ang apo, ngunit idineklarang dead on arrival ang biktima.

Ni BETH JULIA

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *