Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TNT target ang 9-0 karta

TULUYANG pagpasok sa quarterfinals ang hangad ng Meralco sa pagkikita nila ng Barako Bull sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang 5:45 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tatapusin naman ng Talk N Textang elimination round schedule nto kontra Globalport sa 8 pmmain game. Ang Tropang texters ay nasa unang puwesto at nakatiyak na ng twice-to-beat advantage sa quarterfnals.

Ang Bolts, na nagparada ng bagong import sa katauhan ni Darnell Jackson sa kanilang huing laro, ay galing sa 88-78 pagatalo sa Barangyay Ginebra. Sila ay may 3-4 record.

Ang Barako Bull ay may 2-5 record matapos na matalo din sa Alaska Milk, 78-71

Kung magwawagi ang me3ralco mamaya ay tuluyan nang papasok sa susunod na round ang Bolts. Kung mananalo ang Barak Bull aymagtatabla sila.

Kung sakaling matatalo ang Barako Bull ay mahihirapan na itong umusad dahil sa kakailanganin nitong magwgai kontra Globalport sa Linggo at magdasal na hindi na lalampas sa tatlong panalo ang mga koponang nasa hulihan ng standings.

Umaasa si coach Paul Ryan Gregorio  na maipakikita ni Jackson ang kanyang tunay na halaga laban kay Josh Dollard ng Barako Bull. Halos isang buwan nang nasa bansasi Jackson.

Si Jackson ay susuportahan nina All-Star Game Most Valuable Player Gary David, Cloff Hodge, Reynell Hugnatan at Legends game MVP Rey Guevarra.

Makakatuwang naman ni Dollard sina Willie Miller, Ronjay Buenafe, Mick Pennisi, Dorian Pena at rookies Carlo Lastimosa at Jeric Fortuna.

Ang Globalport ay hindi pa nakakatikim ng panalo sa loob ng pitong laro. Wala nang pag-asa ang BatangPier na makarating pa sa quarterfnals.

Pero nais ni coach Afredo Jarencio, na humalili kay Ritchie Ticzon bago nagsimula ang torneo, na makaisang panalo man lamang. magiging malaking morale boosters para sa Batang Pier kung maitutumba ang Talk N Text.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …