Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis na tulak patay sa tarak ng ex-convict

NAMATAY ang 27-anyos buntis makaraan saksakin ng ex-convict sa Tondo, Maynilakahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Rochelle Bautista, ng Lacson St., Velasquez, Tondo, Maynila, sanhi ng saksak sa dibdib at likurang bahagi ng katawan.

Habang mabilis na nakatakas ang suspek na si Rolito Morallos, 32, ng #221 Sta. Catalina St., Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO2 Micheal Maraggun, dakong 4 a.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Ayon kay Jocelyn Pascual, 37, kapitbahay ng biktima, nagpapahinga siya sa kanilang bahay nang makarinig ng sigaw at nang kanyang punta-han ay nasaksihan na pinagsasaksak ng suspek si Bautista.

Sa teorya ng pulisya, droga ang motibo sa insidente makaraan matagpuan sa bra ng biktima ang dalawang sachet ng shabu.

(LEONARD BASILIO)

TULAK DEDO SA BUY-BUST

BUMUWAL na walang buhay ang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa North Cotabato.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang napatay na suspek na si Berwil Carlos, alyas Botyok, residente ng Brgy. Balogo, Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) at PDEA ARMM sa Brgy. Balogo, Pigcawayan, sa naturang lalawigan.

Habang iniaabot ng suspek ang shabu sa poseur-buyer agad sumugod ang mga awtoridad ngunit bumunot ng baril si Carlos at nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na agad ikinamatay ng suspek.

(JETHRO SINOCRUZ)

ASSET VS DROGA ITINUMBA

PATAY ang jeepney barker  nang  pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek habang nagtatawag ng pasahero sa isang terminal sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Rolando Cola, ng Phase 9, Block 52, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasa-bing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at kata-wan.

Batay sa ulat ni Supt. Ferdinand del Rosario, hepe ng Station Investigation Division ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 10:15 p.m. sa loob ng terminal ng jeep sa nasabing barangay.

Nagtatawag ng pasahero ang biktima nang lapitan ng dalawang suspek na nagkunwaring sasakay at siya ay pinagbabaril.

Napag-alaman sa imbestigasyon, sinasabing police asset ang biktima na siyang nagtuturo ng mga tulak ng droga sa nasabing lugar.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …