Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heat sinuki ng Nets

SINALTO ni Mason Plumlee ang pa-dunk na si basketball superstar LeBron James upang walisin sa apat na games ng Brooklyn Nets ang two-time defending champions Miami Heat ngayong season.

Pinayuko ng Nets ang Heat, 88-77 kahapon sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association (NBA) regular season matapos supalpalin ni Mason ang dunk attempt ni four-time MVP James may dalawang segundo na lang sa orasan.

‘’My initial thought was to just foul and make him earn it at the free-throw line,’’ saad ni Plumlee.

Umangal si James at ang Miami bench dahil hindi tumawag ng foul ang mga referees.

‘’He grabbed my right hand,’’ ani Heat star player James na tumikada ng 29 points, 10 rebounds at anim na assists. ‘’He didn’t do it on purpose, but he got my right hand.’’

Abante ng isang puntos ang Nets at papaubos na ang oras, nakuha ni Heat forward Rashard Lewis at ipinasa kay James na sasalaksak kung saan sinabayan naman siya ni Plumlee.

Sa instant replay, nakita na may contact si Nets Joe Johnson kay James nang magsimulang umatake ito habang natamaan ni Plumlee ang kamay ng pambato ng Heat ng mag-dunk ito.

Ayon kay Heat coach Erik Spoelstra: ‘’It was a foul from my vantage point. But what can you do?’’

Si Johnson ang nanguna sa opensa para sa Nets na may tinikadang 19 puntos  habang 16 puntos ang kinana ni Marcus Thornton upang ilista ang 43-34 win-loss slate at manatiling nasa pang-limang puwesto sa Eastern Conference.

Samantala, nasa unahan pa rin ng EC ang Heat tangan ang 53-24 record.

Sa ibang NBA resulta, pinaluhod ng Oklahoma City Thunder ang Sacramento Kings, 107-92 habang sinilat ng Minnesota Timberwolves ang San Antonio Spurs, 110-91.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …