Saturday , November 23 2024

Veterans ‘luhaan’ kay PNoy (Sa Araw ng Kagitingan)

041014 pnoy veterans
PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa ika-72 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat Shrine sa Pilar, Bataan kahapon. (JACK BURGOS)

“LUHAAN” ang mga beterano kahapon nang walang ihayag na magandang balita si Pangulong Benigno Aquino III sa ika-72 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan.

Walang inihayag si Pangulong Aquino na dagdag sa pensyon at benepisyo sa 133,784 lehitimong beterano at kanilang mga asawa kahit pa binanggit niya na mas pinaghusay ang mga serbisyong ipinagkaloob sa kanilang dependents gaya ng hospital at educational benefits.

Ipinagmalaki ng Pangulo, nilinis na ang listahan ng mga beterano sa ilalim ng pensioners revalidation program para hindi na makihati ang mga pekeng beterano sa pensyong dapat mapunta lamang sa mga lehitimong beterano.

Taon-taon ay umaasa ang mga beterano na madagdagan ang kanilang pensyon dahil noon pang administrasyong Arroyo nang umentohan ang kanilang buwanang pensyon.

(ROSE NOVENARIO)

DAGDAG-PENSION AT BENEPISYO ISINULONG NI TRILLANES

KASABAY ng paggunita sa Araw ng Kagitingan, pinadadagdagan ni Sen. Antonio Trillanes IV ang monthly pension, medical at burial assistance sa mga betereno at military retirees sa bansa.

Ayon kay Trillanes, chairman ng Senate committee on national defense, sa ilalim ng Senate Bill 1169, mula sa P10,000 burial assistance, dapat itong itaas sa P20,000.

Nabatid na noong 2013, naglaan ang pamahalaan ng P2.9 bilyon para sa pagbabayad ng Total Administrative Disability pension ng mga beterano noong World War II, na may edad 80 pataas ngunit hindi ito sumapat.

Nakalulungkot aniya na mistulang hindi natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga beterano gayong sila ang nagsakripisyo sa bansa. (CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *