NABABAHALA ang Simbahang Katolika dahil sa maaaring paglaganap ng problema sa abortion ngayong idineklarang Konstitusyonal ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, mas kilala bilang Reproductive Health law.
Ito ang agam-agam ni Baguio Bishop Carlito Cenzon sa dahilan hindi tinutupad ng pamahalaan ang nakasaad sa 1987 Philippine Constitution na tungkuling protektahan ang buhay ng ina at sanggol mula sa pagsasanib ng itlog at semilya.
Bagama’t aniya may batas laban sa abortion sa Filipinas, marami pa rin natatagpuang fetus na itinatapon sa mga basurahan sa Diocese ng Baguio. Naninindigan si Bishop Cenzon, napakasakit isipin na mas maraming sanggol sa sinapupunan ang hindi mabibigyang pagkakataon na mabuhay dahil sa RH law.
(leonard basilio)