Sunday , May 5 2024

Revilla, ex-NBI official protektor ni Napoles

TINUKOY na ng pork barrel scam private complainant at abogado ng isa sa testigo sa scam na si Atty. Levito Baligod ang aniya’y malalaking personalidad na naging tila protektor ni Janet Lim-Napoles.

Kabilang sa kanila sina Sen. Bong Revilla, Jr., at ang sinibak na si NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.

Ayon kay Baligod, narinig mismo ng kanilang informant nang sabihin ni Revilla sa NBI official na magdahan-dahan sa kaso ni Napoles.

Habang si Esmeralda ay tinawag niyang protektor ng negosyante.

Sinasabing ginawa nina Revilla at Esmeralda ang pulong sa isang malaking hotel sa lungsod ng Makati.

Pahabol ni Baligod, marami pa silang hawak na impormasyon na ila-lantad na lamang sa mismong pagdinig ng kaso sa Sandiganbayan.

Wala pang paliwa-nag dito si Revilla na nga-yon ay nasa bansang Israel.

About hataw tabloid

Check Also

IBP Integrated Bar of the Philippines

 IBP to Hold the 20th National Convention of Lawyers Next Year

The Integrated Bar of the Philippines announced yesterday the holding of the 20th National Convention …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *