IKATLONG puwesto ang nakataya sa pagkikita ng San Mig Coffee at Air 21 sa PLDT Home TVolution PBA Commissioners Cup mamayang 5:45 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Ikawalong panalo naman sa sindaming laro ang target ng Talk N Text kontra Air 21 sa 8 pm main game.
Ang San Mig Coffee y may 3-2 record at galing sa back-to-back na kabiguan buhat sa Barako Bull 92-0) at Talk N Text (81-75). Ang Air 21 ay may 3-3 karta at galing naman sa 97-95 panalo kontra Barangay Ginebra San Miguel.
Sa import match-up ay magtutunggali sina James Mays ng Mixers at Weskey Withespoon ng Express. Si Witherspoon ay nagpugay kontra Gin Kings kapalit ni Herve Lamizana.
Ang Tropang Texters, na pinamumunuan ni Richard Howell, ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng pagkatalo sa pitong laro. Dahil dito ay nakasiguro na ang Tropang Texters ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Galing din sa panalo ang Rain or Shine sa huling laro nito kung saan nagpugay ang bagong import na si Devon Chism na humalili kay Alex MacLean. Dinurog ng Elasto Painters ang Meralco, 99-75 para sa 3-3 karta.
“Malaking epekto yung you get the right type of import. Chirsm is going to get better. He has the quickness and the athleticism. He can play inside and outside,” ani RoS coach Joseller “Yeng” Guiao.
(SABRINA PASCUA)