Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tutulungan ba tayo ng US?

MUKHANG patungo na sa hindi magandang kahihinatnan ang problema ng Pilipinas at China sa usapan ng West Phillipine Sea.

Ito ang nababanaag natin matapos magalit ang China sa ginawa ng ating pamahalaan na pagsasampa ng protesta sa UN.

Dito ngayon lumabas ang tanong na tutulungan ba tayo ng Amerika sakaling giyerahin na tayo ng China?

Ito ngayon ang problemang kinakaharap ng bansa dahil alam naman nating wala tayong kakayahang makidigma sa kahit sino pa mang bansa maging ito man ay maliit o dambuhala.

Alam natin ang kakayanan ng ating Sandatahang Lakas at alam na alam lalo natin na  wala tayong mga kagamitan pandigma , maging mo-derno man o hindi.

Dambuhalang bansa ang China at dito tiyak na mapapasubo ang tapang nating mga Pinoy pero hindi sapat ang tapang lang sa usaping ito.

Sa tao-tao pa lamang ay agrabyado na ta-yong hindi hamak kaya’t dito dapat tayong ma-niguro kung tutulungan tayo ng US at iba pa nating bansang kaalyado.

Kung sampu porsiyento ang basehan na patungo na sa paglala ang usapin sa West Philippine Sea ay mukhang masasabi na nating nasa 5 percent na ito kaya’t dapat na nating rebisahin kung anong tulong ang ibibigay ng ating mga kaalyado.

Baka tulong laway lang ang kanilang ibigay kaya’t dito dapat maging mapag-analisa ang ating mga lider sa Malakanyang dahil buhay ng tao at kasarinlan natin ang nakataya.

Dapat din pag-aralan ng pamunuang PNoy kung ginagamit lamang tayo ng US para pabagsakin ang isa sa kanilang kalaban dahil hindi naman lingid sa lahat na isa nang super power din ang bansang China sa kasalukuyan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …