Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gen. Carmelo Valmoria pinagkakatiwalaan ng Fil-Chinese community

SA KABILA ng samo’t saring pag-upak ng mga kabaro natin sa hanapbuhay (press) sa kapulisan, natatanging pinupuri ang liderato ni General Carmelo Valmoria ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Hindi ito isang ordinaryong kalakaran pagdating sa mga manunulat at kolumnista na ang karamihan ay mas inclined na pumuna kesa magbigay ng papuri.

Kapag ang isang opisyal ng pulis ay pinuri, nangangahulugang may kakaiba itong karisma at dignidad na nirerespeto ng working press.

Sa katauhan ni Gen. Valmoria, posibleng may nakitang katangi-tangi  sa personalidad ng NCRPO Director ang media.

Posibleng dahil sa low profile ang mamang heneral at walang hangin sa ulo kahit pa nga nakasabit na sa kanyang mga balikat ang estrella na simbolo ng isang mataas na opisyal ng kapulisan.

Very Accomodating si Gen. Valmoria at always welcome sa kanyang opisina ang lahat ng miyembro ng fourth estate (press).

Open minded sa kritisismo at laging handang tumugon sa mga hinaing ng mamamayan.

Hindi lamang mga taga-media ang nakapuna ng katangi-tanging pag-uugali ni Gen. Valmoria kundi ang mismong pamunuan at buong samahan ng Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCCI) na nagkaloob ng bagong mga sasakyan ( 6 KIA K2700 4×4 SUV & 5 heavy duty 150cc motorcycles) para gamitin ng ating mga kapulisan.

Ayon sa taga-Pangulo ng PCCCI na si Ginoong Jose G. Go, nakita nila ang sensiridad ng PNP-NCRPO Director na mapangalagaan ang katiwasayan at kapakanan ng mga negosyanteng Tsinoy dito sa Metro Manila.

Sa ilalim ng liderato ni Gen. Valmoria, nais ng Fil-Chinese community na tumulong sa police force na maging moderno ang kanilang mga kagamitan partikular na ang mga sasakyan sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.

Mabuhay kay Gen. Valmoria and keep up the good work!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag txt sa sumbong o reklamo 09167578424 / 09196612670 mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …