Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caloocan hospital ginawang ‘shabuhan’ (3 kelot timbog, 3 pa kulong sa Navotas)

TATLO ang arestado kabilang ang empleyado ng ospital, nang maaktohang humihitit ng shabu sa loob ng kuwarto ng ospital,  sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Santos, 43-anyos, ng Block 14-H, lot 18, Phase 3-C Dagat-Dagatan, emple-yado ng Caloocan City Medical Center (CCMC), Rick Valderama, 34-anyos, ng #6551 Libis Espina, at Rhonnel Avila, 21 anyos, ng #6106 Libis Nadurata.

Ang tatlo ay nahaharap sa kasong Violation of Sec. 12 (Possession of Drug Paraphernalia) at Sec. 15 (Using of Illegal Drugs) Article II ng Republic Act  9165.

Sa ulat ni PO3 Rodelio Andales, may hawak ng kaso, dakong 10:00 p.m., nang makatanggap siya ng tawag  mula kay Dr. Fernando Santos, administrator ng Caloocan City Medical Center (CCMC), tungkol sa kahina-hinalang kilos ng tatlong tao.

Nagresponde si Andales, kasama si Dr. Santos at si Nolito Mirano, kanilang  pinasok ang kuwarto ng ospital kaya naaktohan ang tatlong humihitit ng shabu.

Samanatala,  caught in the act  ang tatlong adik habang humihitit ng shabu sa loob ng bahay ng notoryus pusher,  kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Kulong ang mga suspek na sina Edwin Agbuya, 44; Andrew Ocsales, 26-anyos at Susan Manlolo, pawang residente  ng Block 7, Lot,11, Phase 1-B Gurami St., Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …