MAKARAAN ang limang buwan, blanko pa rin ang Palasyo kung hanggang kailan maninirahan sa mga tent ang libo-libong survivors ng bagyong Yolanda.
Walang naihayag na update si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte hinggil sa pagtatayo ng pamahalaan ng permanenteng pabahay para sa mga biktima ng Yolanda.
“I will have to ask the—a status from the office of Secretary (Panfilo) Lacson on that,” sabi ni Valte.
Nakipagkita kahapon ang People Surge Alliance kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at ipinarating ang karaingan nilang mabagal na rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda.
Anila, binigo sila ni Pa-ngulong Aquino sa reconstruction program na tinagurian nilang “anti-poor.”
“We’ve always been open to dialogues with People Surge. In fact, Secretary (Corazon) Soliman had already met with them and had explained to them government’s position, and we will continue to be open to their suggestions,” ani Valte.
Naglunsad din ng kilos-protesta ang People Surge kahapon sa Mendiola at Tacloban upang kondenahin ang anila’y “criminal negligence” ni Pangulong Aquino sa Yolanda victims.
(ROSE NOVENARIO)