Monday , December 23 2024

Gen. Valmoria ng NCRPO, ba’t tameme vs VK sa Taguig?

MASIPAG at magaling daw na hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) si Director Carmelo Valmoria. Gano’n ba? Saan siya magaling at masipag?

Marahil siya’y sinasabing magaling dahil siya ang hepe ngayon ng NCRPO – ang pinakamataas na posisyon sa larangan ng PNP sa Metro Manila. Pero naupo ba siya sa NCRPO base sa kanyang kagalingan o performance? Oo naman.

Ngunit hindi kaya naupo lang siya sa NCRPO dahil sa bulungan blues o palakasan blues? Hindi naman siguro. Magaling lang talaga ang opisyal.

Ano pa man, ayon sa info ay deserving daw ang opisyal sa kanyang posisyon. Sige na nga! Deserving siya dahil sa mga naging karanasan niya at hindi matatawarang iba’t ibang accomplishment.

Magaling din daw ang intel network niya. Ayos! Pero I hope  sa ‘intel’ ng paniniktik ng mga kriminal o sindikato ka magaling General at hindi iyong intel na intelihensya sa mga salot ng Metro Manila.

Pero bakit? Ang alin? Bakit nagsibalikan at namamayagpag muli ang mga salot sa Metro Manila partikular ang mga nagpapatakbo ng pasugalan sa bawat sulok ng MM samantala noong panahon ni Chief Supt. Marcelo Garbo, ang pinalitan ni Valmoria sa NCRPO, tameme ang mga salot?

Oo tameme at hindi nakapaglalatag ng kanilang ‘produkto’ ang mga illegal gambling operator dahil  estrikto si Marcelo – galit si Marcelo sa mga ilegalista kaya, hirap ang mga gambling operator noon.

Pero nang mawala si Marcelo, hayun nagsibalikan ang mga salot. Ooops…hindi ko naman sinasabing may basbas si Valmoria sa mga salot at sa halip ay nagtataka lang naman tayo kung bakit nagsibalikan sa operasyon ang mga salot. Bakit nga ba?

Tulad na lamang sa Taguig City na kinaroroonan ng Camp Bagong Diwa (Bicutan) na pinag-oopisinahan ni Valmoria. Buhay na buhay uli sa lungsod ang operasyon ng video karera. Bakit nga ba Heneral Valmoria? Nakahihiya sir, diyan pa naman sa lungsod kayo nag-o-opisina tapos abot-kamay lang n’yo para sugpuin ang mga VK sa Taguig pero ba’t tila hirap kayong unatin ang inyong mga kamay laban dito?

Wala naman sigurong pumipigil sa inyo General para sugpuin ang muling nabuhay na video karera sa Taguig? Wala nga ba sir?

Naniniwawala naman ang AKSYON AGAD na walang pumipigil sa inyo sir Valmoria pero ano ang ipinangangalandakan ng kampo ni alyas “Eric” o alyas “Boy Intsik” na may basbas sila mula sa inyong kampo para patakbuhin uli ang kanilang video karera? Naniniwala akong wala kang kinalaman dito Heneral pero, ba’t tameme kayo laban sa VK ng grupo ni Boy Intsik?

Anyway, sa sumbong ay namamayagpag saan man sulok ng lungsod ang VK ni Boy Intsik. Ops, front lang pala si Boy Intsik. Sa halip, ang mga makina ay kina alyas Kim, alyas P.A. Jakutin, kapwa nagpapakilalang malakas  sa Taguig City – Office of the Mayor  o kay Mayora Lani Cayetano.

Katuwang nina alyas Eric, alyas Boy Intsik, alyas Kim at alyas P.A. Jakutin ay isang Police Officer Paminta’t Laurel.

Teka ba’t kaya hindi rin kumikilos si Taguig Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, laban sa mga VK sa AOR niya? Ano ang dahilan Police Offircer Paminta’t Laurel?

Gen. Valmoria, naniniwala ang inyong lingkod at mga taga-Taguig na hindi kayo kayang lagyan ng mga salot pero, ano ang dahilan at namamayagpag  pa rin sa Taguig kung saan ka rin nag-oopisina, ang VK ng mga nabanggit? Kilos heneral para hindi ka pagdudahan.

***

Para sa inyong komento, reklamo at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *