I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me. —Galatians 2:20
UMATAKE na naman ang mga tauhan ng Department of Public Services (DPS) laban sa obstructions sa pedestrians at isinagawa nila ang kanilang massive clearing operations laban sa mga vendors nitong Biyernes, Abril 4.
Pinuntirya nila ang kahabaan ng Avenida Rizal hanggang Quezon Blvd., at talaga naman umaga pa lang ay nagtrabaho na agad sila laban sa mga nakahambalang sa pedestrians o bangketa.
***
NAPAKASIPAG ng kanilang ‘hepe’ na si Che Borromeo dahil siya mismo ang naghahakot ng paninda ng vendors na kanilang maabutan sa lugar.
Halos magkandatulo na ang pawis ni Che sa paghahakot dahil ayaw niyang hayaan na ang mga taga-DPS na naka-orange polo shirt ang gumawa nito.
Nagpapakitang gilas ba siya kay Pangulong Erap?
***
NAPUNO halos ang dalawang truck ng DPS sa mga paninda at kagamitan na hinakot sa mga vendor na nasa bangketa.
Pero hindi pa rin maawat si Che na walang pasabi sa may-ari ng paninda kung bakit nila ginagawa ito.
Talagang seryoso sa kanyang trabaho si Che!
BAN PA SI CHE SA GOBYERNO
PERO hindi ba’t bawal pa magtrabaho o magkaroon ng puwesto sa gobyerno ang sinumang talunang kandidato sa ilalim ng one year prescription period..
Si Che ay natalo sa pagka-konsehal noong May 14, 2013 local election. Ibig sabihin, mahigit isang buwan pa mula ngayon ang hihintayin ni Che, bago makakuha ng puwesto sa gobyerno, pero bakit ngayon pa lang ay nagtatrabaho na?
Aysus, hindi ba, sobrang sipsip naman n’yan!
***
SA kasipsipan ni Che, kaya pala maraming nakapansin sa paglobo ng kanyang itsura ngayon.
Tumaba nang husto at bundat na bundat ang kanyang tiyan. Resulta ba ito ng kasisipsip, kaya pati hangin ay nasipsip niya?
Susme, baka kabag na ‘yan!
“HULI-TONG”
MAY nakapuna lamang, makaraan kunin ang paninda ng mga vendor ay mayroon silang tagabulong na tauhan na tila ‘nagpapakilala’ sa ibang bagay.
Kaya ilang oras lamang ay balik uli sa bangketa ang mga vendor. Ano kaya ang ibinulong ng kanyang tauhan sa mga vendor?
Sabi ko na nga ba, clearing operation kuno lang ‘yan!
***
PAYAG na tayo sa clearing operation kung totohanan at walang halong pangongotong. Kung talagang lilinisin ang bangketa, linisin nang maayos at hindi aatakehin tapos kokolektahan!
Ang mas nakaiinis dito, magre-report sila kay Pangulong Erap na mission accomplished na umano, pero ang totoo deceiving at misinform ang kanilang report.
‘Yan ang dapat malaman ni Pangulong Erap!
OPISYAL, NAKATIRA SA DPS OFFICE!
SPEAKING of DPS, dapat umpisahan na rin ang imbestigasyon laban sa ‘bata’ ni Che na si Fernando Lugo, OIC ng DPS-District III, dahil ang kanyang residential address ay ang DPS office, Lions road, Arroceros.
Opisina ng gobyerno ang tinitirhan ni Lugo, na libre sa lahat, koryente, tubig, bahay pati pagkain, pagkatapos ay sinasahuran pa siya ng city hall!
Tsk..tsk…masarap ba talaga ang libre, Lugo?
***
PERO sana naman hindi malibre si Lugo sa imbestigasyon gagawin ng City Administrator’s Office. Dapat din kumilos ang Civil Service Commission (CSC) dahil labag ito sa code of ethical standards sa mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Baka kase hindi lang si Lugo ang nakatira sa DPS Office na isang pagsasamantala sa resources ng ating gobyerno. Mga mikrobyo sila ng ating lipunan.
Haay naku, ang mikrobyo, hindi benibeybi, kundi pinapatay!
SAMPALOC POLICE
PROTEKTOR
NG MGA KRIMINAL?!
ITO ang obserbasyon at katanungan ng marami nating kabarangay kaugnay sa hindi pagbibigay impormasyon sa tatlong kilabot na holdaper na kanilang nadakip at sinasabing matagal nang umiikot at nambibiktima sa Lungsod ng Maynila.
Natimbog ang tatlong holdaper makaraang mang-holdap sa dalawang kustomer na nasa labas ng coffee shop sa mataong lugar ng Dapitan, Sampaloc.
***
MODERNO ang panghoholdap ng tatlo dahil nakasakay pa sa isang luxury pick up vehicle. Ang kanilang modus, magsagawa ng surveillance sa lugar na bibiktimahin, kapag nalaman nilang may CCTV, gagamit sila ng payong upang hindi makita ang kanilang itsura sa CCTV.
Subalit, nalaman natin na serye na ang nagaganap na ganitong uri ng estilo ng panghoholdap sa Sampaloc area, pero nanatiling inutil ang pulisya na madakip ang mga suspek na miyembro ng isang malaking grupo ng mga holdaper. Ngayon ayaw pa nilang pangalanan sa media?
MPD General Rolando Asuncion baka kailangan nang palitan ang hepe ng Sampaloc Police pls lang!
Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating ko-lum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos