Monday , December 23 2024

Ano ba ang reporma?

BAKIT nagkakagulo ang bansa natin ngayon? Napakaganda naman ng pamumuno ni PNoy pero marami ang humahadlang dahil mukhang nagkakawindang-windang ang reporma sa Bureau of Customs at sa Immigration at iba pang mga ahensiya na sinasabing malala ang korupsiyon.

Mukhang nagkakanya-kanya ang bawat opisyal dahil hindi nagkakaunawaan, hindi nagkakaintindihan, pataasan ng ihi at ‘di sumusunod sa division of labor na inaatang sa kanila parikular sa Bureau of Customs.

Puro interes ang nasa isipan nila.

May dalawang opisyal ng customs na itinalaga ng finance na akala mo walang korupsyon pero kapwa sila may sariling brokerage at pati mga tao nila hindi malaman ng mga broker at importer kung sino ang susundin.

Dalawang klase ang tao sa Customs, isang “no take policy” at isang “overtaking policy.” In other words ‘mambubukol.’

Kawawa ang ating bansa na kahit anong gawin ni Pangulong Noynoy sa reporma ay lumilihis sila sa ‘daang matuwid.’

Ang payo ko lang sa mga opisyales na itinalaga sa Customs ay kailangan may puso kayong makatao, makabayan at totoong nagseserbisyo para sa bayan.

Hindi ‘yung puro bulsa ang nasa isipan.

Magpakita kayo na totoo ang serbisyo publiko ninyo dahil mahirap manakit ng damdamin ng kapwa.

Sa Immigration naman ang dami pa rin tulisan, andoon pa ‘yung tinatawag na favoritism at laganap pa rin ang immorality. Dapat talaga silang dalhin sa Department of Justice at sila ay i-floating gaya ng ginawa sa Bureau of Customs na tinanggalan sila ng kapangyarihan pero marami pa rin ang talagang tulisan sa Immigration.

Pati ang isang Korean fugitive na si Ku Ja Hoon ay pinalaya sa Bicutan Detention cell.

Ilang daan milyon na naman ito, meron pa silang tinatawag na darna dahil sa takaw at tulis nito.

Ito ang mga bata ni Comm. Mison at pinapahirapan pa ang kumukuha ng Immigration clearance certificate.

Puro sila praise release pati ‘yung mga kumukuha ng I-Card ay pinahihirapan nila at ang kanilang katwiran di bale nang mag-dyaryo sila, ma-TV o radio basta makapal ang bulsa nila at pwede silang mag-chix na kahit sinong artista ay maide-date nila.

Sabagay, sa laki ng kinita nila sa mga nakatakas na fugitive ay hindi kataka-takang magagawa nilang mag- chix ng artista.

Nakatatakot lang baka mamaya terorista na pala ang pinapatakas nila.

Maniwala kayo sa Intelligence nila, e wala naman silang nahuhuli.

Magre-raid kunwari ng mga Bombay, Hapon, Koreano at iba pang mga banyaga at lalakarin kunwari ni Betsi-Betsi Tsuwawa at si Anasisito, tunog planggana ang apelyido ng mga intsik na ito.

Malayo ang Customs sa Immigration, isang taon lang, milyones na ang kikitain.

Sana magbago na kayo.

***

Nakikiramay pala ako sa pamilya ng vice president ng Airport Press club sa kanyang maagang pagpanaw. Sa mga naulila ni Carlito Carlos buong pusong nakikiramay po ako kasama na ang buong team ng Hataw.

Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Jimmy Salgado

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *