MASAMA ang impression sa isang kawani at official ng Customs kapag ikaw ay may kaibigan o best friend na ‘Player’ sa Bureau of Customs, lalo na kung ito’y kilalang big time ismagler. Puwede kayong pag-isipan at paghinalaan na kasabwat at pamato nila sa katiwalian sa bureau. ‘Yan ay kahit na malinis ang inyong intention at hindi maaalis na dumudumi sa kaisipan at pananaw ng iba.
Marahil po sa dating kalakaran at sistema sa BoC, may customs officials na hindi na lihim na malalapit sa mga player. Hindi kaya ito rin ang naging dahilan kung bakit sila ang inuna ni Finance Sec. Cesar Purisima sa implementation ng reform sa Bureau of Customs?
Kaya the best way ngayon ay lumayo at umiwas muna kayo sa so called friends ninyo sa Customs specially sa identified importers na matindi at walang ginagawang tama sa kanilang transaction sa Customs.
‘Yun mga puro pagnanakaw at pandaraya sa kanilang binabayaran buwis sa ating gobyerno. Kung dati rati ay bulsa n’yo ang inuuna n’yo, ngayon ay loyalty and honesty sa inyong trabaho ang dapat gawin ninyo.
I wonder kung ito ay mangyayari pa rin? Just asking lang po.
Ricky “Tisoy” Carvajal