HINAMON ni MRT General Manager Al Vitangcol III si Czech Ambassador to the Philippines Josef Rychtar na maghain ng kaso sa korte kaugnay ng akusasyong nangikil siya ng $30 million para ibigay sa isang Czech company ang kontrata sa pagbili ng mga bagong bagon ng MRT III.
Kasabay ng pagdinig ng Senate committe on finance, tahasang sinabi ni Vitangcol na handa ni-yang harapin sa korte ang mga akusasyon ni Rychtar upang patunayan na wala itong katotoha-nan.
Wala rin aniyang katotohanan ang pagbu-bunyag ni Rychtar na personal silang nagpulong sa mismong bahay ng ambassador kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.
Binigyang-diin ni Vitangcol na natalo sa bidding ang Czech company na Inekon Group dahil mahal ang kanilang pres-yo na umaabot ng $3.3 milyon bawat bagon, habang ang nanalong Chinese company na CNR Dalian Locomotive & Rolling Stock ay nasa $1.8 milyon lamang ang presyo ng bawat bagon.
Iginiit ni Vitangcol, dumaan sa tamang pro-seso ang pagbili ng mga bagong bagon ng MRT sa pamamagitan ng bidding. (C. MARTIN)
MAY BASEHAN O WALA ALEGASYON NG CZECH BALEWALA
HINDI na importante sa Malacañang kung may basehan man o wala ang alegasyon ng Czech ambassador na tangkang pangingikil ng $30-M ng MRT 3 officials sa isang Czech company dahil matatapos na ang termino niya sa bansa.
“I don’t know because I think his term is ending soon. I don’t know how long he will—his term of office as ambassador (is). But I think it’s less than—malapit na lang matapos yata. I don’t know how long but we can ask DFA,” ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa magiging aksyon ng pamahalaan sakaling nagsisinunangaling si Czech Ambassador Josepf Rychtar.
Si Rychtar ang nagbulgar sa tangkang pangingikil ni MRT 3 Gen. Manager Al Vitangcol sa Czech company na Inekon Trans para masungkit ang kontratang pagsu-supply ng mga bagong bagon sa MRT.
Ani Lacierda, patuloy ang imbestigasyon ng NBI sa nasabing kaso kaya dapat hintayin na lang ang magiging resulta nito.
(ROSE NOVENARIO)