Friday , May 9 2025

Nakabisto ng baryang doble-kara utas sa kasugal

PATAY ang isang obrero  nang saksakin ng kanyang kasugal na nabisto niyang doble kara ang baryang ginagamit sa cara y cruz sa Caloocan City, kamakalawa.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Lindo Asio,  obrero, ng 105 2nd St., 3rd Avenue, Brgy. 118, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap ang tumakas na suspek na  kinilalang si Sonny Sapinoso, nasa hustong gulang, ng BMBA Compound, Brgy. 120, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO2 Michael Olpindo, may hawak ng kaso, dakong 2:20 p.m. kamakalawa nang maganap ang insidente sa BMBA Compound.

Nabatid na kasugal ng biktima at ng kanyang kuya ang suspek sa cara y cruz nang mapansin ng na dinardaya sila ni Sapinoso nang mapansin na parehong tao ang kanyang ginagamit na pang-kara.

Dito sinita ng biktima at ng kanyang kuya ang suspek na nauwi sa pagtatalo hanggang pagtulungang suntukin ng magkapatid si Sapinoso na napilitang tumakbo pauwi.

Ilang minuto ang lumipas, bumalik ang suspek dala ang isang kitchen knife at nang makasalubong ang nakababatang Asio ay agad pinagsasaksak hanggang mamatay.

(rommel sales)

 

About hataw tabloid

Check Also

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport …

Makati Taguig

EMBO gov’t owned facilities muling iginawad sa Taguig LGU
TRO laban sa Makati LGU desisyon ng RTC

NAGLABAS ang Taguig Regional Trial Court (RTC) ng  temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa …

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *