SINIMULAN na ng French artist ang ‘bizarre pieceng performance art na pagtira ng 13 araw sa loob ng katawan ng oso.
Si Abraham Poincheval ay kakain, matutulog at ‘magbabawas’ sa loob ng sterilized na bangkay ng oso habang kinukunan ng dalawang camera.
Una niya itong isinagawa sa Dans La Peau de l’Ours – sa loob ng katawan ng oso sa CAIRN Centre for Contemporary Art sa Digne noong nakaraang taon.
Muli itong uulitin ni Mr. Poincheval sa Hunting and Wildlife Museum sa Paris, at mananatili siya sa loob ng katawan ng oso hanggang Abril 13.
Noon ay nanatili rin siya nang isang linggo sa underground hole sa ilalim ng bookshop sa Marseilles noong Oktubre 2012.
Ayon sa Musee de la Chasse et de la Nature, si Mr. Poincheval ay performance artist “familiar with extreme situations”.
“For him this act signifies a rebirth, a rite of passage, to pass from the world of the dead to that of the living,” ayon pa sa press release.
(ORANGE QUIRKY NEWS)