Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barroca flawless sa obstacle challenge

NEAR-FLAWLESS ang naging mga executions ni Mark Barroca sa Obstacle Challenge ng 2014 PBA All-Star Weekend noong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kung napanood ninyo ang kanyang routine, aba’y minsan lang yata nagkamali si Barroca at ito ay sa panimulang lay-up na sumablay. Agad naman niyang nakuha ang bola para sa follow-up.

Lahat ng ibinato niya na kailangang lumusot sa cylinder ay pumasok. Itoy buhat sa chest pass, bounce pass at overhead pass.

Sa three-point shot ay swak kaagad ang kanyang nang attempt kung kaya’t diri-diretso ang kanyang takbo.

Kaya naman hayun at nagkampeon siya sa Obstacle Challenge.

Winakasan niya ang limang taong paghahari ni Jonas Villanueva na naghahangad sanang pahabain ang kanyang pag-upo sa trono.

Well, umabot naman sa Finals si Villanueva pero hindi niya napantayan ang bagsik ni Barroca.

Kumbaga, bilang pakunsuwelo, aba’y iniabot ng isang dating manlalaro ng Far Eastern University ang korona sa isang dati  ring Tamaraw. So okay na rin.

Mukhang taon ito ni Barroca ha.

Hindi nga ba’t siya ang nahirang na Papa John’s PBA Press Corps Most Valuable Player ng Finals ng nakaraang Philippine Cup kung saan tinulungan niyang magkampeon ang San Mig Coffee.

Oo’t  hindi siya ang nahirang Best Player of the Conference. Pero ibig sabhin, siya ang Mixer na may pinakamagandang performance. Kaya puwedeng maging contender na rin siya para sa Most Valuable Player award sa dulo ng kasalukuyang season.

Malayo na nga talaga ang narating ni Barroca.

At marami pa siyang makakamit na karangalan!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …