Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roach tinawanan lang ang psywar ni Bradley

MALAPIT na ang laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Panay na ang palabas ng mga psywar ng dalawang kampo.   Si Bradley ay panay ang paninindak ang sinasabi.  Sa kampo naman ni Pacquiao,  tahimik lang na panay ang ensayo ng dating hari ng pound-for-pound habang sinasalong lahat ni Freddie Roach ang mga patutsada ng kabilang kampo.

Katulad na lang ng ipinalabas na banta ni Bradley nitong nakaraang araw na tagilid daw si Pacman sa kanyang kaliwa.   Tiyak na gugulong ang Pambansang Kamao kapag tinamaan n’on.

Natawa lang si Roach sa babalang iyon.  Bumuwelta ito na hindi niya kinatatakutan ang sinasabing iyon ni Bradley dahil hindi raw dalawang kamay ang gumagana sa laban ng Kanong boksingero.

Mahalaga ang mga salong banat ni Roach sa psywar.   Hindi masyadong nakakaapekto iyon sa mental conditioning ng kanyang boksingero.

At ang maganda sa tandem nila ni Pacman,  hindi napapagod ang bibig ni Pacquiao sa mga salitaan.   Habang dada nang dada ang kalaban ni Manny, abala naman sa ensayo ang mga kamao ng Pinoy pug.

Tingin naman ng Kurot Sundot, simula nang kabahan si Bradley sa magiging paghaharap nila ni Pacquiao.   Kaya ngayon pa lang ay gumagawa na siya ng alingasngas na nagbabakasakali na magiba niya ang mental toughness nito.

Bakit nga ba hindi siya matatakot?   Sa unang paghaharap nila ay halos magulpe siya ni Pacman.   Katunayan ay dumalo siya sa post fight na pulong  nang naka-wheelchair.

Sabi nga ng ilang miron na marunong sa boksing, baka sa pagkakataong ito ay dadalo si Bradley na naka-stretcher pagkatapos ng laban.

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …