Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, ligtas na sa lason ng dikya!

 ni  Maricris Valdez Nicasio

“GOOD Morning everyone!!!! Feeling a bit better today! Praise God! After reading some of the other articles you guys found & tweeted me, I really feel I’ve been given a 2nd chance at life,” ani Anne Curtis sa kanyang Twitter Account noong Biyernes.

Maituturing ngang 2nd life na ito ni Anne dahil hindi biro ‘yung atakihin ka ng dikya o jellyfish lalo na’t box jellyfish pa ang umatake sa Dyesebel star. Isa raw itong klase ng jellyfish na napakatapang ng venom na sa maaatake nito’y iilan ang nakaliligtas.

Sa ngayon, ligtas na si Anne sa anumang pagkalason at nabawasan na ang pananakit at pamumulang nakuha niya mula sa dikya.

Sa text message na natanggap namin mula kay Dreamscape Adprom head Biboy Arboleda, ”Anne is okey, nagpapahinga, safe na siya from poisoning or anything near major serious after effect ng box jelly fish venom. The swelling and redness are slowly subsiding na. All her internal organs are safe.

“Enjoy siya sa lahat ng love and get well soon messages and gifts na natatanggap niya.”

Samantala, overwhelming naman ang natanggap na ratings ng Dyesebel ni Anne dahil nakakuha ito ng 33.3 percent ratings noong Abril 3, Huwebes, mula sa national TV ratings ng Kantar Media. Nangangahulugan ding ito ang pinakapinanonood na TV program.

Nilunod din ng Dyesebel ang katapat nitong programa sa GMA7, ang Kambal Sirena na nakakuha lamang ng 16.8 percent.

Patunay na mas inaabangan at mas pinanonood ng publiko ang Dyesebel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …