Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.3-M natangay sa magbababoy

TINATAYANG  P330,000  cash na benta sa pagbabagsak ng baboy sa palengke ng Blumentritt, ang natangay ng apat na armadong lalaki na magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo nang holdapin ang 45-anyos negosyante, sa panulukan ng Maceda at Dimasalang Sts., Samapaloc, Maynila, kahapon ng tanghali.

Sa reklamong idinulog sa tanggapan ni Chief Insp. Francisco Vargas, hepe ng Manila Police District-Theft & Robbery Investigation Section,  ng biktimang si Russel de Guzman, residente ng  ng Miguelin St., Sampaloc,  dakong 11:40 ng tanghali kahapon,  naganap ang pangho-holdap sa  nasabing lugar.

Galing sa nasabing palengke ang biktima matapos magdeliver ng baboy at maniningil sana nang salubungin sila at dikitan ng dalawang motorsiklo, habang nakasakay sa stainless van na markado ng “Meat Dealer” na minamaneho ng driver na si  Ariel Peralta, 44, ng P. Guevarra st., Sta. Cruz.

Ayon sa report, tinutukan ang driver ng kalibre .45 pistola at  dalawang Uzi ang itinutok sa negosyante at saka hiningi ang dalang bag at mga wallet na naglalaman ng halagang P330,000.

Nang makuha ang pakay ay pinasibad ng mga suspek ang mga motorsiklong di naplakahan  patungong Dimasalang bridge. (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …