Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PSL lalong magtatagumpay — Laurel

NANINIWALA ang komisyuner ng Philippine Super Liga na si Ian Laurel na lalong sisigla ang liga ng volleyball ngayong taong ito.

Sinabi ni Laurel na ang pagdagdag ng mga magagaling na manlalaro mula sa UAAP at NCAA ay senyales na magiging mas kapanapanabik ang mga laro lalo na mas mataas na lebel ng volleyball ang masasaksihan ng mga tagahanga nito.

“When we started the Super Liga, we wanted balance and with this drafting, lalong magiging exciting ang mga games,” wika ni Laurel sa drafting ng PSL noong isang araw sa Taguig. “This will be a chance for the new players to play at a higher level.”

Sa nasabing draft ay napili bilang top pick ng Petron Blaze si Dindin Santiago ng National University habang ikalawang pick naman ng baguhang Air Asia si Abigail Marano ng La Salle .

“May slight pressure ako kasi number one ako at marami ang umaasa na lalaro ako ng maganda,” ani Santiago . “ Sana mag-champion ako. Tiwala ako sa mga teammates ko.”

“I’m ready to fight. Excited akong makasama uli si Michelle Gumabao,” dagdag ni Marano. “This is a good opportunity para maging beast uli kami ni Michelle. It’s a big challenge for me to play at a higher level.”

Ang iba pang mga koponang kasali sa PSL ay ang RC Cola, PLDT MyDSL, Cignal, Generika-Army at Cagayan Valley .

Magsisimula ang PSL sa Mayo 10 sa PhilSports Arena sa Pasig.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …