Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronnie, may talent din sa pagdidirehe

ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWANG may isang tulad ni Mr. Anthony Gedang o Tonet sa kanyang mga kaibigan , ang tumutulong para mag-invest o gumawa ng mga de-kalidad na pelikula. Bagamat isang bonsai collector at matagumpay na negosyante (water industry serving Manila Water, Maynilad), hindi ito naging hadlang para sundin ang hilig sa paggawa pelikula.

Very inspiring nga ang kuwento ni Tonet, na bagamat nagmula sa mahirap na pamilya hindi iyon naging hadlang para maging matagumpay na negosyante.

Si Tonet ang nasa likod ng award-winning indie film na Ataul For Rent  na idinirehe ni Neil ‘Buboy’ Tan sa ilalim ng kanyang movie outfit—Artiste Entertainment Works International. Nasundan ito ng Casa at ngayon ay ang EDNA na ukol sa isang OFW na pinagbibidahan ng isa sa magagaling na artista natin na si Irma Adlawan at kauna-unahang directorial job ni multi-awarded actor Ronnie Lazaro.

Nalaman naming isasali sa mga international festival ang Edna. At tiyak na sa oras na mapanood ito, hahangaan din ang kakaibang talent ni Ronnie sa pagdidirehe.

Wala mang planong maging director ni Ronnie, si Tonet ang pumilit sa kanya na idirehe iyon at pinagsama-sama pa ang magagaling na artista bukod kay Irma, tulad nina Sue Prado, Nicco Manalo, Mara Marasigan, Kiko Matos, Madeline Nicolas, Pen Medina, Joe Gruta, Hermie Concepcion, at Frances Makil Ignacio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …