Saturday , November 23 2024

US nagbanta ng economic sanction vs China

NAGBANTA ng posibleng “economic retaliation” ang Amerika laban sa China kapag gumamit ng pwersa sa pang-aangkin ng teritoryo sa Asian region.

Sa pagharap sa US Senate Foreign Relations Committee, inihayag ni Assistant Secretary of State for East Asia Daniel Russel, posibleng sapitin din ng Beijing ang ipinataw na sanctions laban sa Russia makaraan nitong sakupin ang Crimean peninsula sa Ukraine.

Binigyang-diin ni Russel, bagama’t walang pinapanigan ang Amerika sa namamagitang territorial claims sa East Asia, makatitiyak aniya ang China na hindi pababayaan ng Estados Unidos ang mga alyadong bansa.

Umaasa ang opisyal na tutugunan ng China ang inihaing kaso ng Filipinas sa artbitration tribunal para sa mapayapang resolusyon ng isyu.

“The president of the United States and the Obama administration is firmly committed to honoring our defense commitments to our allies… It is incumbent of all of the claimants to foreswear intimidation, coercion and other non-diplomatic or extra-legal means,” ayon sa opisyal.

Kamakailan, binalingan ng China ang US government sa anila’y pakikialam sa regional issue sa West Philippine Sea. Binigyang-diin ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, hindi dapat makialam ang Amerika sa namamagitang territorial disputes sa Filipinas dahil hindi ito bahagi ng isyu.

(LANI CUNANAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *