Saturday , November 23 2024

3 senador ‘itarima’ sa ordinary jail — Miriam

IGINIIT ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat walang special treatment sa mga senador sakaling sila ay maaresto, at dapat ay ilagay sila sa ordinaryong kulungan.

“Therefore, they should be detained while they are undergoing hearing at huwag sila i-detain sa mga airconditioned na mga palasyo o i-house arrest kasi makikita ng tao na may diperensya pala kung mahirap ka at makapangyarihan ka,” ani Santiago.

Kaugnay nito, walang balak ang liderato ng Senado na kanlungin o saklolohan ang mga senador na sangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam sakaling maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan sa kanilang non-bailable case na plunder.

Nabatid na inilabas na ng Office of the Ombudsman ang resolusyon na magpapatibay ng pagsampa ng kasong pandarambong at iba pang graft charges sa Sandiganbayan laban kina Senators Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr., gayundin kay Janet Lim-Napoles at maraming iba pa dahil sa  sabwatan para paghatian ang bilyon pisong pondo mula sa pork barrel.

Binigyang diin ni Senate President Franklin Drilon, sakaling lumabas ang warrant of arrest, ay wala nang pakialam ang Senado dahil ang korte na ang may hurisdiksyon sa kustodiya ng mga akusado sa layunin na matiyak ang kanilang presensya sa oras na kailanganin sa mga paglilitis.

(CYNTHIA MARTIN)

3 SENADOR PA SANGKOT SA PDAF SCAM

HINDI lamang sina alyas Pogi, Sexy at Tanda ang sangkot sa multi-billion pork barrel scam.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, tatlo pang indibidwal na maaaring nagsilbi sa Senado o incumbent senators ang sangkot sa anomalya sa pork barrel.

Inihayag ng dating abogado ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy, ang mga ebidensya laban sa mga indibidwal ay naihain na.

Gayonman, tumanggi si Baligod na banggitin ang pangalan ng tatlo, idiniin na hindi pa tiyak ng Department of Justice at National Bureau of Investigation ang bigat ng kaso laban sa mga nabanggit.

Aniya, ang mga kasong naresolba na sa Office of the Ombudsman nitong Martes ay maliit na bahagi pa lamang ng buong pork barrel scam story.

FREEZE ORDER VS ASSETS NI NAPOLES  PINALAWIG PA

PINALAWIG pa ng Manila City Regional Trial Court ang freeze order laban sa mga ari-arian ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles kaugnay sa pagkakadawit sa multi-billion peso pork barrel scandal.

Una rito, nag-isyu si Branch 22 Executive Judge Marino Dela Cruz, Jr., ng Provisional Asset Preservation Order (PAPO) laban sa mga ari-arian nina Napoles, dating Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza, dating social secretary Ruby Tuason, Energy Regulatory Commission head Zenaida Cruz-Ducut, iba pang personalidad at mga kompanyang nauugnay sa eskandalo.

Ang Provisional Asset Preservation Order (PAPO) ay alinsunod sa Petition for Forfeiture of Assets na inihain ng Anti-Money-Laundering Council (AMLC).

Si Napoles at iba pang respondents ay nahaharap sa plunder at graft charges sa Office of the Ombudsman.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *