Tuesday , December 24 2024

Rule 119, Rules of Court, Speedy Trial Act of 1998 iniutos ng Supreme Court

00 Bulabugin JSY

ISA ito sa mga magagandang balita na nabasa natin nitong nakaraang linggo.

Natutuwa tayo na ang ‘katarungan’ ay seryosong ipinatutupad ng Korte Suprema para i-decongest ang mga kulungan at igiit ang kaparatan ng isang tao na makapagpiyansa at magkaroon ng speedy trial.

Inutusan ng Korte Suprema ang lahat ng trial courts, public prosecutors, public attorneys, private practitioners at iba pang kasangkot sa pagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng isang akusado na sundin ang guidelines.

Isinasaad dito na kaugnay ng Section 13 ng Constitution, na nagsasabing, “All persons, except those charged with offenses punishable by reclusion perpetua when evidence of guilt is strong, shall before conviction be bailable by sufficient sureties or released or recognized as the law may provide.”

Ayon sa SC ang kaso ng isang akusado ay kinakailangan i-raffle para maitalaga sa isang trial court sa loob ng tatlong araw matapos maihain ang information.

Babasahan ng sakdal ng korte ang akusado sa loob ng 10 araw mula sa petsa ng pagkaka-raffle at magkaroon ng pre-trial conference sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pagbasa ng sakdal o 10 araw kung ang akusado ay under preventive detention.

Sounds good, Justice MARVIC LEONEN.

‘E may tanong lang po ako.

ANO na ang nangyari sa ‘DISQUALIFICATION CASE’ laban kay Erap, Justice Leonen?

Bakit hanggang ngayon, ‘e nganga ‘este’ wala pa rin desisyon ang SC sa DQ laban kay Erap?!

‘E napakasimple lang naman sagutin ‘yan ‘di po ba?

Kwalipikado ba si Erap na tumakbo sa kahit anong posisyon kahit siya ay convicted plunderer, na-parole man siya o hindi!?

‘Yan lang po Justice Leonen.

‘Yan lang po ang kailangan sagutin ng Korte Suprema.

Para naman hindi na rin nag-aalinlangan si Erap sa kanyang posisyon ngayon.

Bigyan n’yo siya ng kapanatagan. Isa pa unfair din ‘yan para kay ex-Cong. Romy Jalosjos na ini-disqualified ng Supreme Court gayong halos parehong criminal ang kaso nila ni Erap.

Kung hanggang ngayon ‘e hindi pa rin mapagdesisyonan ‘yan ng Supreme Court ‘e tanggalan na lang natin ng PIRING ang babaeng sagisag ng katarungan.

‘E mukhang mas mahirap na hindi ‘nakakikita’ si Inang Katarungan, Justice Leonen!

PERGALAN SA LA UNION,  PANGASINAN AT BAGUIO  LANTARAN NA!

LANTARAN at centralized na ang mga perya-sugalan na puno ng iba’t ibang sugal tulad ng color game, dropballs, roleta, veto-veto at baraha na matatagpuan sa harap ng PNP at mga munisipyo sa lalawigan ng La Union, Pangasinan at Baguio City.

Ayon sa impormasyon, isang broadcaster at vice mayor sa lalawigan, kapwa may inisyal na B.M. at R.J. ang tumatayong ‘tongpats’ ng mga sugal lupa ng pergalan sa mga bayan ng La Union, San Fernando, Bauang, Agoo, Bacnotan, Balauan, Baguio 3 pwesto ng pergalan na pag-aari daw ng isang alias RENE BASAN sa buong Pangasinan at La Union.

Sa Pangasinan ay nagkalat din ang salot na PERGALAN ni RENE, sa San Fernando La Union, hawak ng mga operator ng illegal na sugal na sina alyas YETBO MAGAT at EMI MAGAT.

Isang alyas BETLOG-BOT DE LUNA naman ang may hawak ng mga sugalan sa Malasique, San Jacinto at Lingayen at pag-aari na naman ni RENE BASAN ang tatlong pwesto ng pergalan sa Baguio City ‘di kalayuan sa Burnham Park.

Dagdag ng source sa ipinarating sa Camp Crame, halos lahat daw ng bayan sa Pangasinan ay puno na ng mga illegal na colors game gaya ng mga bayan ng Balungao, Tayug, Binalunan, Malasique, Calasiao, Bayangbang, San Jacinto, San Carlos,  Manaoag, Mangaldan at Lingayen.

Wala rin daw aksyon si Baguio PNP City Director S/Supt. Jesus Cambay, sa pergalan ni RENE BASAN sa lungsod na dinarayo ng mga dayuhan at local tourist.

La Union PNP Provincial Director S/Supt. Ramon Rafael at PNP Provincial Director S/Supt. Raymond Blanco, bakit dumami at naging talamak ang salot na pergalan sa area of responsibility n’yo!?

Anyare!?

SO LONG CALOY, SO LONG …

LAST night, katotong CARLITO ‘CALOY’ CARLOS of Bulgar, took the last steps for his final journey …

Ang biruan nga ng mga kasamahan namin sa Airport (dahil si Caloy ay likas na palabiro) nag-TAXI kasi si Kaloyski napabilis tuloy, dapat nag-JEEP lang siya … (Joke lang ‘yan katotong Caloy)!

Kidding aside, si Caloyski ay masarap na kasama kahit sa anong klase ng laban.

Hindi ko pa nalilimutan nang ikampanya niya ako noong unang tumakbo akong Director sa National Press Club (NPC) 2004 at ganoon din nang tumakbo akong Presidente noong 2010.

Nanalo po tayo pareho sa eleksiyon na ‘yan.

Pero bago po iyon, matindi rin ang ginawang alalay ni Caloy sa inyong lingkod nang maging pangulo  ako ng Airport Press Club.

I’m sure na hindi lang ako ang makami-miss kay Caloyski, lahat ng mga taga-Airport ay t’yak na mangungulila sa kanya …

Hanggang sa muling pagkikita … so long Caloy, so long…

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *