Thursday , November 14 2024

Atin ang Ayungin Shoal

BUKOD sa napapaloob ito sa ating Exclusive Economic Zone, ang pinag-aagawang Ayungin Shoal, gaya ng Scarborough Shoal, ay palagiang destinasyon ng mga mangingisdang Pinoy. Mula’t sapol, ang naturang lugar sa West Philippine Sea ay pinagkukunan natin ng mga yamang dagat. Kung tutuusin, ang mga Tsekwa nga ang dumarayo rito at nakikipagkaibigan sa iba pang mangingisda mula sa atin.

Ayon kay dating Northern Luzon Command chief, Lt. Gen. Anthony Alcantara, ang Scarborough nga ay maituturing na isang “BALANSE” o “NEUTRAL” na lugar-pangisdaan dahil hindi nagkaroon ng anomang sigalot dito kahit noon pa man.

Nagsimula lamang gumulo nang magkagirian ang mga barko ng Pinas at Tsina noong Abril 2012. Hanggang ngayon may standoff pa rin sa Scarbourough.

Sa kaso naman ng Ayungin, naaawa rin ako sa ating mga sundalo dahil kailangan magsadsad dito ng isang lumang barko para masabi lamang na mayroon tayong naka-estasyong Marines doon. Tanong ko nga kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., nitong Martes, “plano ba ng pamahalaang maglagay ng PERMANENTENG ESTRUKTURA sa Ayungin para mas lalong ipamukha sa Tsina na atin ang naturang teritoryo?” Pero tila wala pang ganoong plano.

Sa aking pananaw, mga kanayon, ayaw din naman ng Tsina na magkaroon ng digmaan sa West Philippine Sea dahil kapag nagkagulo, hindi na sila basta-basta makapangingisda roon at tiyak haharangin sila ng mga barko ng Amerika. Sa madaling salita, gutom ang mga Tsekwa. Bakit ‘ikan’yo? Wala naman karagatanng malapit sa Tsina kundi ang WPS! Saan sila manghuhuli ng isda? Sa dagat Pasipiko o Atlantiko na ubod nang layo sa kanila? Malinaw na ang galaw ng Tsina ay pananakot lamang. Pambu-bully. Mantakin ninyo, 1.3 BILYON ang mga Tseka sa mainland, samantala sila ay nakapangisngisda lamang sa East China Sea at WPS. Tayo ngang napapaligiran ng KARAGATAN ay hindi halos mapakain ang kakaunting populasyon nating 100 milyon, ang Tsina pa kaya?

‘Yan po ang katotohanan, mga kanayon. Hindi kayang tustusan ng Yangtze River at Yellow River ang pangangailangan ng mainland dahil masyadong malaki ang populasyon nila. Kung magsisimula sila ng gulo sa WPS, mas lalong wala silang mapapangisdaan. E ang Pinas? May Pacific Ocean tayo sa Silangan at malalaking karagatan sa Timog at Hilaga. Ang WPS ay nasa bahaging kanluran lamang natin.

Kaya ako ay hindi nangangamba na maaaring sumiklab ang digmaan. Ganoonpaman,  iba pa rin ‘yung handa tayo. Kung sakaling makapasok sila sa Pinas, titindig ba tayo o manginginig?

Laban kung laban. Atin ang inaagaw nila.

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *