Tuesday , December 24 2024

Nakahihiya ka direktor

NAGKALAT na ang isang member ng Customs delegation na ipinadala sa Japan upon the invitation ng JICA (Japan International Coordinating Agency) nitong first week of last month. Regular na nagho-host ang prestigious na JICA sa mga taga-Customs for technology transfer at iba pang latest technique sa customs operations and administration.

Matagal nang panahon na tumatayong host ang JICA at marami na rin mga taga-Bureau from the top officials to lowly employees and nabiyayan ng mga latest technology, lalo sa Information Technology at ito ay nagagamit sa kasalukuyan.

Pero nasira ang ating reputation sa JICA dahil sa ginawi ng ranking member pa naman ng B0C delegation. One week stay sila sa Japan, all-expenses paid.

Ang asshole na tutukuyin natin ay bagong member, siya ay isa sa appointee ni P-Noy. Lubhang maraming ini-appoint si P-Noy sa customs at pinagpapalitan ang mga incumbent sa pamamagitan ni Finance chief, Cesar Purisima sometime in October last year, onwards.

Ang sumbong na umabot kay Commissioner Sevilla umano mula sa JICA mismo ay ginawang junket nitong  P-Noy appointee na tila baga sabik na sabik sa TY na trip at ginawaNG JUNKET. Pagdating daw sa Japan, aba’y nag-disappearing act ang appointee.

Hindi ma-account during a headcount na isinagawa ng JICA. Kung sino man ang pumili sa kanya, hindi dapat naging priority ang isang appointee na tulad niya. They come and go, and anytime baka mapalitan siya. Paaano na iyong napag-aralan ng delegation, balewala. Hindi ito junket. Dapat kung maaari iyon, mga career executives na maiiwan kung sakaling sumibat  na ang mga P-Noy appointee. Sabagay tila malakas naman sila kay Purisima. Pero last two minutes kay P-Noy.

Ang balita natin sa Aduana sa mga reliable source, namasyal agad ang opisyal at deasmayado ang JICA dahil nga sa pagkawala umano ng appointee. Ang nakatatawang tsismis, may nag-volunteer daw na isang pulis-patola (Customs) sa Aduana na kuno ay may tsokaran siyang YAK, YAK (Yakuza). Nang ang gustong magsipsip na pulis-Patola ay nakadestin0 pa sa NAIA-Customs,  notorious ang NAIA sa mga Immigration agents at Customs agents sa pag-aalaga ng mga Yakuza. ‘Di lang natin alam kung ito ay uso pa rin.

We assumed that the official painted the town red. Pasalamat ka kay pulis-Patola  na gustong magsipsip sa iyo. Dapat hindi palampasin ito ni Commissioner Sevila lalo’t napabalita  na sinulatan siya ng JICA. Nakahihiya.

Bakit ba mukhang malakas ang isang special agent I Lino Arroyo na balita na ‘exile’ noong time ni Commissioner Biazon sa Bataan. Hindi natin alam kung bakit. Pero ngayon balik siya sa central office ng ESS sa Aduana. Big shot na raw si Arroyo. Isipin na lang nakapagre-recommend ng value ng goods at the same time, nasasabihan daw na isyuhan halimbawa ng environmental clearance ang kargamento.

Bakit ba ganito kalakas ang loob nitong si SAI Arroyo? Balita natin ginagamit niya ang pagigingg Mason sa dahilan na ang kanyang boss, si ESS chief Willie Sarmiento, ay isa rin Mason. Kapag ganito nang ganito ang mga tulad ni Arroyo, baka wala nang magparating na mga consignee. Biruin mo naman isang pulis SAI pumapapel bilang assessor/examiner at pati ang decision na isyuhan or not ng DENR clearance pinakikialaman? May overture daw na kasama, if he knows what consignees were saying. Baka naman gusto mo nang palitan ang iyong immediate hepe, si Maj. Enad ng South Harbor district. Hindi dapat i-condone ito ni chief Tolentino. Wala ka pang major accomplishment, may pin in the ass ka na na tauhan.

Tsk tsk tsk …

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *