Tuesday , December 24 2024

Premier investigating body napasok na naman ng mga “bagman”? (Attn: NBI Dir. Virgilio Mendez)

00 Bulabugin JSY

AKALA natin ang bagong appointments sa National Bureau of Investigation (NBI), ang mga posisyon o opisinang iniwan lang nina deputy directors Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.

Hindi natin alam kung bagong opisina o extended office ba ng NBI ang dalawang nagyayabang at nagpapakilalang ‘BAGMAN’ kuno ngayon ang isang alias MIGEL IRINKO aka JAKE DULING at isa pang alias OGIE  VILYAPRANKA.

Ipinagmamalaki ng dalawang KAPALMUKS na sila ay may basbas ng isang alyas JAGUAR na malakas ang ‘kapit’ daw sa isang opisyal ng NBI.

Aba ‘e kung kaladkarin daw ng dalawang KAMOTE ang pangalan ng premier investigating body (NBI) at ng Department of Justice ‘e parang private property nila.

Itanong ninyo kung kanino ginagamit ng dalawang ‘KAPALMUKS’ ang NBI at DoJ …

Aba ‘e walang iba kundi sa mga ilegalista lalo na sa 1602, mga putahan club, jueteng at maging sa droga.

NBI Director Virgilio Mendez at Justice Secretary, Madam Leila De Lima, hindi pa ba naiuulat sa inyo ng inyong ‘Intel experts’ kung ano ang pinaggagawa ng dalawang KAPALMUKS na ‘yan?!

Aba, ‘e kung hindi pa sa inyo nakararating ‘yang ‘masipag na pangongolek-TONG nina alyas Jake Duling at alyas Ogie sa basbas ni alyas Jaguar, ‘e dalawang bagay lang ‘yan … mahina ang ‘intelehensiya’ este ‘INTELLIGENCE’ ninyo o baka naman bukol-bukol na kayo?!

Alin po sa dalawa, Director Mendez and Madam Leila?!

Pakisudsod na nga po!

 ‘ESCORT BOYS’ BUHAY NA NAMAN SA NAIA
(ATTN: MIAA AGM-SES ret. Gen. VICENTE GUERZON)

PAANO tayo makatitiyak na napapangalagaan ang seguridad sa mga pangunahing Airport ng bansa kung mismong mga law enforcer ang lumalabag nito.

Gaya na lang ng isang insidente nitong Marso 24 sa Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dakong 8:00 ng umaga, isang kagawad ng Airport police na kinilalang si Cpl. Joevic Pandino at isang SPO3 Jeffrey Gumanoy ng Philippine National Police  (PNP) ang nakitang dumaan sa Immigration area patungong pre-departure na may hila-hilang luggage pero walang kasamang pasahero.

Habang nasa pre-departure area, nakitang nag-uusap at nagkamayan pa sina Pandino at Gumanoy kasama ang ilang pasahero habang naghihintay ng boarding proper sa Air Asia flight Z2 501.

Pagkatapos nito ay nakitang umalis na ang dalawa na hindi na dala ang luggage ng pasahero.

Kasunod nito, nabatid na ang visitor’s pass access ng dalawa ay hanggang check-in counter lang.

Ang paglampas nina Pandino at Gumanoy sa check-in counter at sa Immigration area ay maliwanag na paglamat sa umiiral na security access zone at paglabag sa Letter Directive (SBM-2014-087) na inisyu ni Immigration Commissioner Siegfrid Mison hinggil sa Authorized Persons to Assist in NAIA Exclusive Immigration Area (EIA).

Tsk tsk tsk …

MIAA Asst. GM for Security & Emergency Services Vicente Guerzon Sir, kitang-kita naman siguro sa CCTV ang ginawa ng dalawa. Pwede bang ipatawag at i-reprimand mo ‘yang sina Pandino at Gumanoy?

Aba, hindi lang ikaw ang ipinahihiya n’yan, Sir!?

Maging sina GM Bodet Honrado at Commissioner Mison ‘e bina-by pass ng dalawang kamote na ‘yan!

Aksyon AGM Guerzon!

RODRIGUEZ (MONTALBAN) RIZAL PINAMUMUGARAN NG PERYA-SUGALAN NI KRIS NG TAGUIG

HINDI na malaman ng mga taga-Rodriguez, Rizal kung sino talaga ang makapangyarihan sa kanilang bayan.

Ang kanila bang alkalde na si  Hon. Ekyong Fernandez o ang operator ng mga PERYA-SUGALAN na isang alyas KRIS ng Taguig.

Ayon sa mga napeperhuwisyong residente, ang perya-sugalan ni alyas KRIS Taguig ay doon mismo nakapwesto sa Southville, Brgy. San Isidro.

Hindi lang perhuwisyo sa INGAY kundi salot din sa pamilya at mga estudyante.

Paanong hindi magiging salot, ‘e nag-aaway na ang mga mag-asawa dahil ultimo pambili ng bigas at ulam ‘e itinataya ng lalaki o ng babae sa colors game. Drop balls at roleta.

Habang ‘yung mga bata at kabataan naman, ‘e maagang namumulat sa pagsusugal.

Kaya ang motto ng bawat pamilya d’yan sa Rodriguez Rizal ‘e, “The family that plays (read: gambles) together, stays together.”

‘Yun nga lang, kapag na-OLAT sila ‘e  AWAY-AWAY together na.

At ‘yan ay dahil sa PERYA-SUGALAN ni alyas KRIS Taguig at mukhang nakokonsinti ni Kapitan TOMTOM, na isa raw Kamaganak Inc.

Mismong si Kapitan TOMTOM umano ang nagbigay ng PERMISO para itayo raw ni  alyas Kris Taguig ang kanyang perya-sugalan d’yan sa Southville.

Kaya naman, walang ibang bukambibig si alyas Kris ng Taguig kundi … “PERA-PERA lang naman d‘yan sa Montalban!”

Bakit kan’yo?

‘E kada linggo umano ‘e may ipinadadala si alyas Kris Taguig na ‘parating’ daw kay Kapitan TOMTOM at sa ask force ‘este’ Task Force Anti-Gambling ng munisipyo.

Aba ‘e ibang klase pala d’yan sa Rodriguez (Montalban) Rizal, nabubukulan ni sonny si daddy?!

Gano’n ba ‘yun Alkalde ELYONG?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *