Tuesday , December 24 2024

Diesel P41.60; Unleaded P47.15; Prem. P47.55 sa Tarlac, ba’t ‘di ubra sa MM?

HANGGANG ngayon, hindi lamang mga operator/driver ng mga pampublikong sasakyan ang umiiyak sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Matagal nang dumaraing ang lahat kabilang na ang mga pribadong sasakyan, kaya hayun may isang grupo ng PUJ ang nais magpatupad ng fare increase kahit na hindi pa inaprubahan ng LRFTB. Ipinatupad na yata nila ito kahapon pero, may mga grupo ng tsuper naman na ‘di sang-ayon sa ilegal na hakbangin. Hintayin na lamang daw nila ang desisyon ng kanilang petisyon sa LTFRB na gawin P10 ang minimum fare – ilalabas ang desisyon sa Abril 11.

Tama ‘yan mga mamang tsuper, hintayin n’yo muna ang aprubal ng LTFRB at ‘wag makinig sa lider na nagmamagaling – lider na nag-uutos sa inyo na maningil ng ilegal na pamasahe.

Sa tingin n’yo kaya mama tsuper, kapag hinuli ka sa paniningil ng ilegal na pamasahe ay sasaluhin ka ng lider ninyo sa samahan. Take note, malabo iyan! Kaya mag-ingat kayo sa ilang lider ninyo. Hindi n’yo napapansin, ang yayaman na nila samantala kayo ay …Bakit kaya? Mag-ingat sa lider-lideran n’yo!

Bakit tayo sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Noong nakaraang taon, ibinulgar ng isang pahayagan na talamak daw ang pag-ismagel ng produktong petrolyo.

Dahil dito, nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado. Isang kompanya ang inakusahan na mga ismagel daw ang kanilang produkto kaya mababa ang presyo ng bentahan nito kompara sa presyo ng kinikilalang big three.

Pero ano ang nangyari sa akusasyon at  imbestigasyon? Wala! Ibig kong sabihin ay hindi napatunayan ang akusasyon.

So,  lumalabas na tila nagpapalusot lang ang mga nag-akusa dahil nga hindi nila kayang  maipaliwanag kung bakit mataas ang kanilang presyo habang ang inakusahan ay mababa ang bigay sa mahihirap.

Marahil dapat na muling silipin ang presyo ng mga produktong petrolyo – magkakaiba kasi ang presyo. May mas mababa/ may mdeyo mababa at may sobrang mataas naman – holdaper.

Sa San Mateo, Rizal, tatlong gasoline station na kabilang sa big players at small players din ang nakapapagbigay ng mababang presyo kompara sa mga gasolinahan sa Quezon City, Manila, Caloocan at ilan pang s’yudad ng Metro Manila.

Hanggang tatlong piso ang diperensya ng presyo sa gasoline at diesel. Ang punto natin dito, bakit kaya ang mga gosolinahan sa San Mateo ang “bargain price”  habang ang mga nasa Metro Manila ay hindi kayang ibaratilyo?

Mayroon pa nga sa Mc Arthur Highway, Gerona, Tarlac – ang A-1 Gerona Gasoline Station  at ilan pang gasolinahan dito ang mas mababa ang presyo sa  kanilang produkto. Ang kanilang per liter sa unleaded ay P47.15 habang P47.55 sa premium at P41.60 sa diesel. Ang baba ‘di po ba? Biniro ko pa nga sila nang magpa-gas ako. Ang sabi ko sa gasoline boy na sabihan niya ang kanyang amo na magtayo ng pwesto sa Metro Manila. Actually noon pa ganito ang presyo dito, kaya sa tuwing umaakyat ako ng Baguio ay nagpapa-full tank na ako, gayon din kapag pabalik ng Quezon City.

Ngayon, heto lang ang punto natin, bakit sa mga nabanggit ay kaya naman nilang babain nang husto o katamtaman ang kanilang presyo habang sa Metro Manil ay halos minamasaker na ng mga gasolinahan ang kanilang mga kustomer?

Dapat lamang siguro na silipin ng gobyerno ang pahirap na estilo ng mga gasolihan sa Metro Manila. Bakit hindi nila kayang ibigay ang presyo ng mga ibang nabanggit nating gasolinahan? Bakit nga ba? Samantala pare-pareho lang naman ang mga produktong ito.

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at reklamo, magtext lang sa 09194212599.2

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *