LEGAZPI CITY – Tuluyan nang sinibak sa pwesto ang provincial director ng Camarines Sur.
Sa ulat, mismong si Philippine National Police (PNP) Regional Director Victor P. Deona ang nagkompirma sa pagkakatanggal sa pwesto ni Camarines Sur-PNP Provincial Director, Senior Supt. Ramiro Bausa kahapon ng umaga.
Sinasabing ang relieve order ay may kaugnayan sa nangyaring massacre sa Caramoan Islands sa Camarines Sur na ikinamatay ng apat na minero.
Samantala, ang Deputy Regional Director for Operations na si Senior Supt. Arnold Albis ang magiging officer-in-charge ng Camarines Sur Provincial Police Office.
Sa kabilang dako, na-nanatili ang ilang tauhan ng PNP at National Buerau of Investigation sa massacre site para sa mas malalim na imbestigasyon at kaukulang ebidensya laban sa pito pang suspek sa nasabing krimen.
(FILIPINAS ALCALA)