Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Militar, pulis sa Cebu nakakasa sa resbak ng mga bata ng mag-asawang Tiamzon

NAKAKASA ang buong pwersa ng militar at pu-lisya sa posibleng RESBAK ng mga gerilyang New People’s Army kasunod ng pagkatimbog kamakailan ng kanilang mga lider na mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon sa Cebu.

Ayon kay Chief Supt. Danilo Constantino, director ng Police Regional Office sa Region 7, na kinabibilangan ng lalawigan ng Cebu, hindi sila dapat maging KAMPANTE at dahil dito ay ipinamudmod ng mga pulis sa North Terminal at South Terminal ang mahigit sa 1,700 ‘pamaypay laban sa kaaway’ o mga foldable fans na merong mga pangalan ng mga wanted criminals at mga personahe ng CPP-NPA.

“Mukhang pinagkakakitaan pa ng gobyerno at militar ang ilegal na pag-aresto at pagdukot ng peace consultants, mga aktibista at ordinaryong sibilyan,” banat naman ni Karapatan secretary general Cristina Palabay bilang reaksyon sa SAMPUNG MILYONG PISO patong sa mga ulo ng mag-asawang Tiamzon.

Pinansin ni Constantino na ang napaulat na safehouse ng naares-tong rebel leaders sa Sitio Boloc-Boloc, Barangay Sangat sa bayan ng San Fernando ay INUUPA-HAN ng P20,000 kada buwan. IGINIIT ng Karapatan na walang mga baril o pampasabog na na-tagpuan sa nasabing safehouse salungat sa alegasyon ng mga awtoridad. Sa gitna ng kaganapang ito ay muling nabuhay ang PAG-ASA PARA SA KAPAYAPAAN dahil sa makasaysayang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kahapon ng hapon sa Malacañang Palace.

Ayon sa ating mapagkatiwalaang sources, may ilang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang handang makipagtulungan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang ganap nang matuldukan ang karahasan at kahirapan sa Min-danao at sisilay na ang BAGONG UMAGA sa Lupang Pangako.

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …