Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mira bella ni Julia Barretto, inilampaso nang husto sa rating ang katapat na show sa GMA

ni  Peter Ledesma

Sa pagsisimula ng Mira Bella nitong Lunes ay marami agad ang tumutok sa fantaseryeng pinagbibidahan ni Julia Barretto at bagong ka-love team na si Enrique Gil. Kaya naman sa pilot episode ay matinding inilampaso ng Mira Bella ang katapat na serye sa GMA na Paraiso Ko’y Ikaw. Humamig ng rating na 22 % ang show ni Julia mula sa Dreamscape Entertainment samantala halos mag-single digit na lang sa 10 % na rating ang programa ni Kim Rodriguez sa Kapuso. Ito ay base sa survey ng Kantar Media: National Ratings last March 24. Ganyan na kalakas ang dating ng Mira Bella, kahit hindi pa ipinakikita sina Julia, Enrique at Sam Concepcion. Siyempre 110% ay tataas pa ang rating ng nasabing fantaserye lalo pa’t maraming fans sina Julia at Enrique dito sa Pinas at ibang bansa plus isang malaking factor ‘yung plot ng story nito ay hindi pa napapanood ng tao.

Dahil bagong fantaserye ay exciting siyang panoorin. Matitindi ang mga pagsubok na pagdaraanan ni Mira, ang dalagitang nagmana ng sumpa sa pagkakaroon ng balat tulad sa isang kahoy. Abangan, kung papano sila pagtatagpuin ng panahon ni Jeremy (Enrique) ang lalaking minahal siya sa kanyang kaanyuan o itsura. Mapapanood ang Mira Bella tuwing hapon bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …