Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego, mas bagay sa action series

ni DANNY VIBAS

KUNG sino man ang manager at adviser ni Diego Loyzaga, tama ang payo nila na sumali pa rin sa cast ng Mira Bella ang anak ni Bing Loyzaga kay Cesar Montano.

Tama, kaysa magmukha siyang pikon, tampuhin, itsapuwera, at malalaos na ‘di pa man sumisikat.

Isa si Diego sa dalawang leading men ni Julia Barreto sa Mira Bella na parehong pinalitan pagkatapos nilang mag-taping ng ilang eksena at maipakilala na sa madla sa press conference ilang buwan na ang nakararaan.

Dumating si Diego sa press conference para sa Mira Bella kamakailan. Sumayaw pa nga siya na kasama nina Julia, Sam Concepcion, Enrique Gil, Myka de la Cruz, at marami pang ibang young stars.

Guwapo naman si Diego, matangkad (mas matangkad pa yata siya kay Enrique), at matipuno na ang katawan. Mukha naman siyang artista—pero ‘di na siya mukhang teen. Mature na siyang tingnan.

Hindi na nga siya bagay kay Julia. Ni hindi nga bagay sa kanya ang sumasayaw-sayaw kasama ang mga batang artista na mukha pang mga bata. Pero magaling naman siyang sumayaw. Maliksi naman at nasa tiyempo. (At saka baka magaling siyang kumanta, dahil singer ang nanay, at naging folk singer din sa Malate ang tatay n’ya noong bata pa.)

Parang sa action series siya dapat ilagay ng Dreamscape, ang producer ng Mira Bella para sa ABS-CBN 2. Mas bagay nga siyang gumawa ng action scenes kaysa kay Daniel Padilla.

Kundi man sa isang action series, pwede rin siya sa isang sexy series na gaya ng Moon of Desire na ipina-press conference naman ng ABS-CBN noong Huwebes ng gabi. Sina Meg Imperial, Ellen Adarna, JC de Vera, Dominic Roque, Don Mendez, at Franco Daza naman ang mga pangunahing bituin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …