NA-INQUEST na sa Campo Crame ang mag-asawang top NPA leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon kasunod ng pagsasampa ng panibagong kaso laban sa dalawa at sa lima pa nilang mga kasamahan.
Naaresto ang grupo nina Tiamzon sa Alonguisan, Cebu nitong Sabado ng hapon makaraan ang mahigit dalawang buwan na surveillance at monitoring.
Kasong illegal possession of firearms ang panibagong kaso na isasampa laban sa naarestong NPA leaders at members.
Kasalukuyang nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang naarestong sina Benito at Wilma Tiamzon at ang kanilang limang kasamahan.
Nabatid na dahil ikinokonsiderang “high risk personalities” ang mga naaresto, napagdesisyonan na hindi na sila dalhin sa DoJ at sa multi-purpose hall ng kampo na lamang isinagawa ang inquest proceedings.