MASAMA ang nakikitang pangitain ng mga kababayan nating militanteng lalo na ‘yung mga kababaihan na miyembro ng GABRIELA.
Minsan natin silang nakadaupang-palad sa tarangkahan ng Gate 1 ng House of Representatives sa Batasang Pambansa Complex sa Batasan Road, Batasan Hills, Quezon City.
Naamoy kasi ng mga aktibistang kababaihan na ‘di maganda ang nakapaloob sa Charter Change sakaling muli itong buhayin sa Kongreso.
Ang tinutukoy nila ay ang pagsasapribado ng government/public hospitals tulad ng Fabella Maternity Hospital, Philippine General Hospital at iba pa.
Nakasaad sa itinutulak na charter change ng ilang sector na ang magmamay-ari ng mga ospital ng pamahalaan ay mga banyagang mamumuhunan na nakabase sa bansa.
Kung magkakagayon, masamang pangitain talaga ang bubulaga sa bawat mahirap nating mga kababayan na walang kakayahang magpagamot at magpa-confine dahilan sa kawalan ng pera. Unang-una nang maaapektohan ng batas na ito sakaling matuloy, ang mahihirap nating mga kababayan na pambili pa lamang ng gamot ay hirap at walang mahagilap. ‘Yun pa kayang magpatingin sa pribadong pagamutan at doktor? Asahan na maraming titirik ang mata sa botika pa lamang.
Anak ng tipaklong!!!
Anong klaseng mga mambubutas ‘este’ mambabatas natin ang nakaisip nang ganitong uri ng panukalang batas?
Bwiseet!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com