SPEAKING of hospital greediness… ALAM kaya ng pamunuan ng University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, (UERMMMC) Inc., na nasa kahabaan ng Aurora Boulevard, Quezon City na wala ‘ata silang tiwala sa Guarantee Letter (GL) na iniisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)?
Bakit kan’yo!?
Isang bulabog boy natin ang dumanas ng matinding stress at tension dahil sa laki ng babayarang bill sa UERMMCI makaraang ma-confine doon ang kanyang anak. To make the story short. Ang bill ay umabot ng almost P100K. Ang nalikom lamang na cash na medical assistance ay umabot ng mahigit sa P70K. So, may P30K pang kulang. Mabuti na lang ang P30K ay nakuha courteuosy of PCSO GL duly signed by Madamme Herminia B. Reyes as approved by Mr. Rubin Z. Magno. The GL was addressed to Dr. Andres Borromeo, Medical Director of UERMMMC. Pero ang masakit nito ay pinapirma pa sila ng WAIVER explaining that the hospital policy, kahit na may GL bago pauwiin ang na-confine na patient ay pinapapirma muna ng waiver. Sakaling hindi umano ma-settle ng PCSO ang halagang nakasaad sa GL within 60-days ay ang pasyente o sinumang kaanak nito na sumasagot sa gastusin ng ospital ang magbabayad.
Sonabagan!!!
Ang patakarang ito ay buong talinong inisip daw ng mga empleyado ng UERMMMCI Billing and Credit & Collection Department sa pamumuno ni Ms. Reina Yuki. Ibang klase pala ang ospital na ‘to! Ibig ba nitong sabihin ay walang tiwala ang UERMMMCI sa PCSO na mabayaran ang P30K?
Binalasubas na ba ng PCSO ang nasabing ospital? Kaasar ang ganitong sistema ‘di ba? Hindi ba ang dapat ang UERMMMCI na ang pumasan kung anoman ang susunod na hakbang para sila makasingil sa PCSO at ‘di na pahihirapan ang nahihirapan na ring kaanak ng kanilang naging pasyente?
Sa totoo lang, malinaw na nakasaad sa GL na: hospital and PCSO communication na lamang at out of the picture na ang pasyente after the government institution has approved financial assistance for the hospitalization of patient. Malinaw din sa GL na valid only for the use of the addressee which is Dr. Borromeo; non-transferable and cannot be encashed and the GL should be presented by the hospital/medical institution within 30 days from the date of availment together with the signed statement of account, original certified copy of medical abstract, original copy of quotation, letter of acknowledgement receipt signed by the patient or authorized representative and letter of request.
O hindi ba napakalinaw pa sa sikat ng araw na ang ospital ang dapat magpursige para masingil ang PCSO at ‘di ang pasyente o kinatawan nito.
Style n’yo bulok!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com