Friday , November 22 2024

Erwin Tulfo na-SS ng Inquirer

00 Bulabugin JSY

IRRESPONSIBLE journalism ang sagot ng kampo ni Erwin Tulfo ng TV 5 sa inilabas na istorya ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na nakatanggap umano siya ng pay-off mula sa P10-billion pork barrel scam sa pamamagitan ng National Agri Business Corp. (NABCOR).

I repeat, pay-off (bribe – according to Merriam Webster dictionary) daw?!

In short, biktima ng sensational journalism si Erwin Tulfo.

Kung hindi tayo nagkakamali, naglabas na ng statement ang TV 5  at nanindigan sa kredebilidad ni Katotong Erwin.

Kung hindi umano maglalabas ng retraction o paumanhin ang Philippine Daily Inquirer (PDI) partikular ang kanilang reporter na si Nancy Carvajal, ‘e mapipilitan magsampa ng demanda ang katoto natin bilang proteksiyon din sa kanyang reputasyon.

Kakasuhan din ni katotong Erwin ang dalawang NABCOR official na tinukoy ni Carvajal na kanyang source sa nasabing istorya.

Sa istorya ni Carvajal, sinabi umano ng dalawang NABCOR official na sina Rhodora Mendoza at Vic Cacal na ang tseke na mayroong halagang P249,000 ay pinalalabas lang umano na advertisement payment.

Ang nasabing tseke, may petsang March 2009, ay na-encash umano sa UCPB bank sa Ortigas.

Pero ayon sa abogadong si Atty. Nelson Borja, abogado ni Erwin, kung meron mang tseke, tiyak na bayad sa commercial placement o advertisement ng DA o NABCOR sa DZXL na dating radio station/kompanyang pinapasukan ni Tulfo bilang anchor.

Aniya, “Suportado ‘yan ng mga dokumento tulad ng BIR forms na kinaltasan ng buwis kaya malinaw na bayad sa ads/commercial ‘yan at hindi suhol  ng NABCOR,” paliwanag ni Borja.

Bukod nga sa naging sensationalize, ni hindi man lang umano nagtangka si Carvajal na i-check sa DZXL kung nagpa-commercial nga ang NABCOR o hindi.

Malinaw umano na malisyoso at mukhang mayroong agenda ang paglalabas ng nasabing istorya.

Araykupo!!!

Oo nga naman. Kung ang tsekeng napunta kay katotong Erwin ay personal check ni Janet Lim Napoles, ‘yan maniniwala pa tayong suhol.

Pero tseke ng NABCOR ‘di ba at mayroong mga kaakibat na dokumento na nagpapatunay na isang legal business transaction ang namagitan sa NABCOR at sa estasyon ng radio ni Mr. Tulfo.

Mamamahayag din po tayo kaya naiintindihan natin ang sentimyento ni katotong Erwin.

Ano ba ito?

Dog-eat-dog world?!

Tsk tsk tsk …

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *