ISANG manyakol na casino pit manager ang naghahasik ng lagim ngayon sa Solaire Hotel & Resorts Casino.
Tawagin na lang natin siyang si Pit Manager alyas ‘FROZEN DURA.’
FYI Solaire president Mr. Enrique Razon (‘BFF’ ni FG Mike Arroyo), bistadong-bistado na ang kawalanghiyaan at kamanyakan nitong si Mr. Pit Manager alyas Dura dahil lahat ng makursunadahan niyang magagandang card dealer ninyo ay kanyang minamanyak.
Inaalok ng indecent proposal at kapag tumanggi ay kung ano-ano nang pagpapahirap at paninita ang ginagawa sa card dealer.
Minsan nga ay isang card dealer ang nabola nitong si alyas DURA kaya naisama sa kanyang condominium.
Talaga namang pinag-ala-Deniece ni alyas Dura ‘yung Bebot at ala-Hayden Kho na kinuhaan pa ng video.
At ‘yan umano ang ipinanakot ni alyas Dura doon sa card dealer na nagoyo niya — ‘yung kuha nila sa video para palagi n’yang mai-date nang libre at mahuthutan ng pera ang kawawang babae.
Kaya naman takot at suklam ang nararamdaman ngayon ng mga casino dealer sa Solaire sa manyakol na si alias Dura!
Madali lang daw makilala ‘yang PIT MANAGER na ‘yan …matangkad, maputi at bukbokin ang mukha!
Paimbestigahan mo lang Mr. Razon sa mga aso ‘este’ private army ‘este’ security personnel mo ‘yang si Mr. Pit ‘cupal’ Manager alyas Dura, madali nang matutuklasan kung sino siya.
O kaya naman, bantayan n’yo lang kung sino ang madalas manita at terror ng card dealer na Bebot, t’yak ‘yun si alyas Dura na ‘yun!
Huwag kang mag-alaga ng ahas ‘este’ sex maniac sa iyong casino, Mr. Enrique Razon!
Malas sa negosyo ‘yan!
DSWD PERMIT SA PRIVATE ORGANIZATIONS NA HUMIHINGI NG DONASYON PARA SA BIKTIMA NG KALAMIDAD ISINULONG NI SEN. CHIZ
NANG sabihin ng Department of Social Work and Development (DSWD) na hindi nila mino-monitor ang pangangalap ng donasyon ng mga pribadong organisasyon para sa mga biktima ng kalamidad agad iminungkahi ni Senator Chiz Escudero sa Senado ang pangangailangan na humingi ng permiso sa nasabing ahensiya.
Ayon kay Senator Chiz, “This is to a larger scale, and I consider it a bigger crime, if they (private organizations) use Yolanda and the victims of Yolanda to simply enrich themselves.”
Kasunod nito, hiniling na rin ng Senad0 sa DSWD na magpasa ng listahan ng mga organisasyon na nangalap ng donasyon para sa mga biktima ng daluyong na Yolanda.
Ayon kasi mismo sa Commission on Audit (CoA) mayroong kakulangan sa paglalatag ng wastong sistema para sa pagtanggap ng mga donasyon kaya nahihirapan silang ma-track kung saan-saan napunta ‘yung donasyon.
D’yan tayo bilib kay Sen. Chiz with a heart.
Buti na lang at naisip niya ang panukalang ito lalo na nga’t ang ating bansa ay madalas na pinipinsala at sinasalanta ng mga kalamidad.
Hindi yata tayo nakaliligtas sa delubyo ng pagsabog ng bulkan, lindol, bagyo at baha.
Hindi rin maliit na pinsala at hindi lang iilang buhay ang nawala.
Tapos biglang magsusulputan ang iba’t ibang pribadong organisasyon na nangangalap ng tulong at donasyon para sa mga biktima.
Pero pagkatapos nito ay wala tayong nababasang report at pasasalamat sa lahat ng mga tumulong.
Kabilang na riyan ang GMA Kapuso Foundation, ang ABS CBN, at iba pang estasyon at pribadong organization na nangalap din ng tulong at donasyon.
Dapat din na magsumite sila ng ulat (accounting) kung saan at paano nagamit ang mga nakalap nilang donasyon (daan-daang milyon).
Tumpak po ‘yan!
Meron responsibilidad ang mga organisasyong ito na mag-ulat sa bayan!
SUGAL LUPA LARGADO SA CALAMBA at LOS BAÑOS CITY LAGUNA
(ATTN: MAYOR JUSTIN MARC CHIPECO & MAYOR CAESAR PEREZ)
SA Barangay Ponciano (Checkpoint) sa Calamba City, Laguna, ay naka-latag na naman ang PERYA-GALAN color ‘daya’ games ng dalawang norotyus na perya-operator na sina alias OME at BABY PANGANIBAN.
Ang kasador naman ay sina BOKNOY at JONJON.
Sa junction naman ng Los Baños City,hindi rin magpapahuli itong anak ng reyna ng Perya-galan ng Laguna na si MELY.Si NONIE naman ang tiga-poste nya.
PNP Calarbazon deputy RD PS/SUPT Romulo Sapitula,baka naman pwede mong pasadahan ang mga salot na perya-galan na ito!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com