Friday , November 22 2024

Mag-asawa, utol tiklo sa droga

CAGAYAN DE ORO CITY- Inihanda na ng PDEA Region 10 operatives ang isasampang kaukulang kaso laban sa tatlong sinasabing notoryus drug pushers na kanilang naaresto sa Brgy. San Alonzo, Balingoan, Misamis Oriental.

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Alfonso at Lourdes Abanil, at isa pang Maria Cristina Hanapag, pawang residente sa nasabing bayan.

Inihayag ni PDEA Deputy Regional Director Rayford Yap, kanilang naaresto ang mga suspek sa inilunsad na drug buy bust operation kasama ang mga tauhan ng Balingoan Police Station.

Nakuha mula pag-iingat ng mga suspek ang 15 gramo ng shabu na mayroong estimated market value na P120,000, at drug paraphernalia.

Sinabi ni Yap, ang mag-asawang Abanil ang nagsilbing pangunahing drug source ng nasabing bayan at maging sa iba pang karatig na lugar nitong lalawigan.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *